Chapter 16 : The Man Who Can't Be Moved

980 11 0
                                        


Alexander's POV


Pabalik-balik lang ako ng lakad habang nakakagat sa daliri ko. Sabi ng doktor magigising si Kara pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong oras. Pero mag-wawalong oras na pero hindi parin siya nagigising. And it's practically 3 in the morning.


"Kent, kumain ka muna. Kagabi ka pa hindi kumakain"

Napatingin ako kila Kent. Inaabutan siya ng tinapay ni Casey pero umiling lang siya "I'm not hungry. Just take care of yourselves"


Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo ni Kent. Simula kasi ng malipat si Kara sa kwarto niya, wala na siyang ibang ginawa kundi ang umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Kara at tignan lang siya. Wala pa siyang tulog at hindi pa siya kumakain kahit ano. Ang tigas lang ng ulo niya.


"Kenneth, kung ipagpapatuloy mo yang katigasan ng ulo mo, baka hindi lang si Kara ang ma-admit sa ospital kundi ikaw rin" seryosong sabi ko sa kanya, I rarely call him by his first name, at pag ginawa ko yun, alam niyang seryoso na ako.

"I don't care. Don't mind me and just take care of yourselves. Hindi niyo ako responsibilidad" sagot niya


Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit ba sobrang tigas ng ulo niya? Hindi ko alam kung san niya naman yun dahil hindi naman ganun sila Tita.


"Bahala ka" bulong ko at lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip ko ang sinabi ni Kent. I can't believe them. They're really crossing the line.


Tumungo lang ako habang naglalakad ng may bigla akong makabangga. Hihingi na sana ako ng sorry ng makita ko kung sino yun.


"A-arraine" I said when I saw her


Hindi siya ngumiti o kahit ano. She looked at me expressionless. Her face says it all. Galit siya sa akin. Galit na galit.



"Sorry" sabi niya lang at maglalakad na sana ng hawakan ko siya sa braso at iharap sa akin.

"Baby, let's talk, huh? Please. Talk to me"


Hindi niya ako sinagot. Pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya bago ngumiti. Ngiting alam na alam kong peke.


"Wala ako sa mood makipag-usap ngayon" sagot niya lang


Hindi ko siya hinayaang makaalis at bigla naang siyang hinila. Nagpupumiglas siya sa hawak ko pero ano bang laban niya? Mas malakas ako sa kanya.


"Ano bang problema mo?!" Sigaw niya ng tumigil kami. Dinala ko siya sa rooftop dahil tajmhimik dito at alam kong walang makakarinig sa amin.

"Arraine, please listen to me. I know you're mad b---"

"Mad?!" She cut me off "I'm not mad! I'm beyond mad Alexander Clarke. Galit na galit ako sayo! You just left me and now you're telling me you know I'm mad? That's bullshit!"

"Look Baby, I'm sorry okay? Hindi ko sinasadyang iwan ka. It's just, it's just, I can't tell everything to you"


Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon