Chapter 69 : Forever

731 15 0
                                    

Vielle's POV


"I swear, isa pang galaw mo masasabunutan na talaga kita!"


Pinigilan kong mapanguso dahil sa nagbabantang boses ni Janina sa likod ko. Kasalukuyan kasi niyang inaayos ang buhok ko dahil hindi ako pumayag na magpaayos sa mga make-up artist ni mommy. I don't really like the way they fix my hair and my make up. I mean, don't get me wrong, maganda silang mag-make up pero masyado kasi nilang sinasagad ang pasensya ko. May time na inayusan nila ako nun para sa debut ko at para nilang ginawang coloring book ang mukha ko that time. Sobrang kapal ng make up at akala mo sa isang halloween party ako aattend.

"Aren't you done yet? Isang oras mo na akong inaayusan." Nagmamaktol na sabi ko.

"Oh just shut up kung ayaw mong masampiga ko." Naiiritang banggit niya. She's doing my hair and she's doing a good job. Ayos narin kasi siya dahil may pinapunta siya ditong sariling make-up artist. Ang problems ko nalang talaga ay ang buhok ko dahil sa kanya ko lang gustong ipaayos yun. Hindi ko man nasasabi pero may talent si Janina pagdating sa ganitong mga bagay.

"Aren't you done yet? Nangangalay na ako dito." Nababagot na sabi ko.

"Oh shut up blondie. Kapag nagsalita ka pa, kakalbuhin na talaga kita." Seryosong banta niya. At dahil alam kong hindi siya nagbibiro ay nanahimik nalang ako.


Lumipas ang ilang minuto at natapos na siya sa pag-aayos sa akin. Kinulot niya ang buhok ko at kung ano-anong ka-echosan ang inilagay dun. Matapos niya akong ayusan ay agad na lumapit ang make-up artist niya at nilagyan ako ng make-up. It took at least one and a half hour bago natapos ang pagmemake-up sa akin.

Sabay kaming pumasok ni Janina sa walk in closet ko at nauna siyang magbihis sa akin. Pagkalabas niya ay napangisi nalang ako dahil sa itsura niya. She is wearing a backless white sleeveless gown. Hapit yun sa katawan niya, showing her curves at tinernuhan niya yun ng white five inches high heels.

"You look pretty bitch." I smirked at her. My bestfriend is indeed, pretty.

"Magbihis ka na." Sabi niya nalang.

Sinunod ko nalang siya at nagbihis narin. Matapos kong suotin ang gown ko ay humarap ako sa salamin. Pakiramdam ko ay hindi ako komportable dahil nga sa sobrang hapit na hapit ito sa katawan ko. It's backless and sleevless too kaya naman sigurado akong giginawin ako mamaya.

Nang makalabas ako ay agad akong pinasadahan ng tingin ni Janina mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya sa akin at nagkibit-balikat.

"I guess were both pretty bitch." Nakangising saad niya na siyang nagpatawa sa akin.

We fixed ourselves again before completely going out from my room. Nang makababa kami sa first floor ay agad kong nakita ang dalawang tao na nakaupo sa sala. Mukha silang inip na inip dahil parehas na magkasalubong ang kilay nila at nakasimangot.


"Gray!" I called him. Napangiti ako nang mapatingin siya sa akin at mabilis na lumapit sa kanya.

Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo sa couch at sinalubong ako ng yakap.

"I missed you! Bakit ngayon ka lang ulit napakita sa akin?" Nagtatampong saad ko nang kumalas siya sa yakap.

"I'm sorry. I've been busy this past few days. You know. School stuffs." Sagot niya.


Oh right. He's in college I forgot.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon