Chapter 27 : Deal

653 12 1
                                        


"That's the thing about pain. It demands to be felt."

_____________________________________________________________


Kara's POV


[One week later]


Maaga akong pumasok ngayon dahil una, hindi ako nakatulog ng maayos. At pangalawa, maagang umalis si Travis kaya dinamay na niya ako. Ewan ko sa lalaking yun. He just drop me off then drove away again.

When I enter our classroom, si Janina ang nakita ko. Nagbabasa siya ng libro habang may nakakabit na earphones sa magkabilang tenga niya. Noong una, akala ko nagbago siya ng sobra. But I guess not. She's a bookworm, and after all these years, she still is.


Napatingin siya sa akin ng dumaan ako sa harap niya. Sinara niya ang libro niya at pinigilan ako sa paglalakad bago ko pa man siya malampasan.


"Sandali lang," tumayo siya sa pagkakaupo niya. "Can you give me you're locker key?"

Kusang tumaas ang kilay ko dahil sa tinanong niya "Why would I give those to you? Padaan nga"


I tried to walk pass her but she didn't let me. She's really persistent in getting my key kaya sa para tumigil siya ay binigay ko na sa kanya.

Dumiretso siya sa likod at binuksan ang locker ko. Wala namang masyadong laman to bukod sa dalawang libro at mga notebook. Pero ang talagang nakapukaw sa atensyon ko ay ang box na nakapatong dito.


That box.


Naalala kong may nagpabigay sa akin ng kahon na yan. Akala ko pa noon ay si Travis ang nagbigay pero hindi naman.

Mabilis akong pumunta sa tapat ng locker ko at kinuha ang box bago pa man mahawakan ni Janina. She looks confused for a second bago tignan ang box na hawak ko.


"This is confidential. You can't touch this" dahilan ko nalang para hindi siya magduda.


Napailing nalang siya bago isara ang locker ko at ibalik sa akin ang susi. Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako pabalik sa upuan niya.


"Why did you check my locker?" I asked her

Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon, "Just curious" sagot niya at kinuha ang librong binabasa niya kanina.

Naglakad siya papunta sa pinto pero bago pa man makalabas ay nilingon niya ako ulit "I just wanted to say," she sigh "Mag-ingat ka sana"



Nakatingin lang ako sa pinto kung saan siya lumabas. Anong ibig niyang sabihing mag-ingat ako? May alam ba siya sa nangyayari sa akin? No. She can't possibly know. Wala naman siyang koneksyon sa akin so imposibleng alam niya yun.

Tinignan ko ang box na hawak ko. Naalala ko na kaya ko nilagay sa locker to ay dahil na akala ko hindi naman importante. But this feeling inside me now. Sinasabi nito na buksan ko tong box na to.


Dumiretso ako sa upuan ko at nilapag ang bag ko. Tinitigan ko lang ang box na hawak ko bago ko maisipang buksan to.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon