Kara's POV
The moment na umalis ang prof namin, pinaulanan na kami ng mga kakalase namin ng mga kantyawan. Kesyo ang sweet daw namin ganun ganun. Napadako ang tingin ko sa grupo ng mga babae na nagbubulungan, biglang sumama ang aura ko as if naman hindi nila alam at kung makatingin kala mo nakakita ng alien. Para sabihin ko sa kanila, mas mukha silang Alien!
"Your temper is really bad" napatingin ako kay Kent at nakitang iiling iling siya. Kasalanan mo to walangya kang hinayupak ka!
"Make a show again, at sisiguraduhin kong hindi ka na talaga sisikatan ng araw" banta ko sa kanya bago umirap. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Arraine sa akin.
"Bakit?" Tanong ko ng makitang nakatingin siya sa amin
"I'm just going to say na can we eat lunch now? Gutom na kasi ako" napa-ah ako sa sinabi niya bago lumingon kay Kent.
"Mauna na kayo ni Alex sa cafeteria" sabi ko at inayos na yung bag ko
"Bakit hindi pa tayo sumabay sa kanila?" Reklamo ni Arraine sa tabi, agad naman na sumang-ayon si Kent sa kanya.
"Samahan mo ako sa CR" sabay tayo ko at hila sa kanya palabas. Ng madaanan namin si Alex sinenyasan ko siya na mauna na sila ni Kent, agad naman siyang tumango.
"You're husband created a really big show" manghang sabi ni Arraine sakin, napairap nalang ako at dumiretso sa restroom.
Agad akong tumingin sa salamin at tinignan ang repleksyon ko. Ganun parin, medyo namumula parin ako at the same time namumutla na ewan.
"Hey, are you okay? You look pale" puna ni Arraine bago hawakan ang noo ko "Hindi ka naman mainit"
Umiling iling ako bago tabigin ang kamay niya "I'm fine. Mukha lang akong namumutla pero okay lang ako" pagsisinungaling ko
Sa totoo lang, nagsimula to kaninang pagbaba ko sa kotse ni Kent. Ewan ko ba, para akong biglang napagod na ewan. Tapos bigla nalang nag-iba yung kulay ng balat ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.
"What a nice scene we have ey?"
Napatingin ako sa tumabi sa amin ni Arraine, I can feel my blood rising again just by seeing her face.
"By the way, congrats on your marriage Kara, I wish you happiness"
Ngumiti lang ako sa kanya, pero hindi parin mabura ang isang salita sa isip ko habang pinagmamasdan siya. Plastic.
"Thanks" maikling sagot ko
"Oh, and by the way, did you heard? Vixel is back in the Philippines, I heard he's back for good. Isn't that great?" Nakangiting banggit niya habang naglalagay ng lip gloss.
Kinurot naman ni Arraine yung tagiliran ko at pinanlakihan ako ng mata habang nakatingin sa salamin. Parang bang sinasabi na kumalma ako dahil anytime alam niyang lalabas ang pagkamaldita ko.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Dla nastolatkówAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...