Janina's POV
Nanginginig ang buong katawan na tumakbo ako papunta sa kabilang side ng lugar. Halos manlamig ang buong katawan ko nang makita ang napakaraming pulis dun at si Kuya Gray na basang basa. Tumakbo ako palapit sa kanya at mabilis siyang hinawakan sa braso.
"Kuya! What the hell happened?!" Malakas na sigaw ko. Tumingin ako sa paligid, trying to look for her, but she's nowhere to be found. "Where is Vielle, kuya?"
Hindi siya sumagot. He remained silent and that made me nervous. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na lumukob sa buong pagkatao ko.
"Where the hell is Vielle kuya?!" Sigaw ko sa kanya.
But he didn't answered me. Nanatili ang tingin niya sa may cliff kung saan may mga rescuers na nandun. Para bang tumigil ang buong oras ko at nanginig ang buong katawan ko nang may mapagtanto ako.
No. No it can't be. No. Hindi pwede. Hindi pwede.
Humakbang ako papunta sa may cliff at may nakitang bangka dun at mga divers. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko nang marealize ko ang nangyayari.
"I am one step too late. Nang makadating ako ay bumitaw na siya. I dived in the water, hoping that I can see her pero wala parin. Her body is nowhere to be found."
Tumulo ang luha ko. "She's alright right? Siyam ang buhay niya diba? Sabihin mo sa akin na okay lang siya. Na maliligtas lang siya." Bumaling ako sa kanya. "Please kuya. Tell me Vielle is still alive." Nagmamakaawa ang tinig ko.
I can't lose her again. I can't lose my bestfriend again.
"You should comfort him. Kanina nang makarating kami ay gustong gusto niyang tumalon sa tubig." Tumingin si kuya sa may likuran ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Kent na nakaupo sa may lupa at mukhang wala sa sarili. Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko nang makita siya.
"I just realized now. He really loves her. He really love Vielle."
Malalaki ang hakbang na lumapit ako kay Kent at naupo sa tapat niya.
"Kent? Are you alright?" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya pero hindi niya ako pinansin. Para bang hindi niya ako naririnig. He keeps murmuring something like "It's my fault", "I should have save her", "I shouldn't have let her go".
"Kent!" Lumakas na ang boses ko. Napatigil siya sa pagbulong at wala sa sariling napatingin sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nanghina ang buong sistema ko nang makitang tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya.
"It's my fault. It's my fault." He said.
Umiling-iling ako. "No it's not. It's not your fault." Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "You believe in Vielle right? Then believe that she's still alive. She's still alive Kent. Masamang damo ang babaeng yun. Alam kong buhay pa siya."
Gusto kong palakasin ang loob niya at wag siyang hayaan na sumuko kahit na ang totoo ay nawawarak na ng sobra ang puso ko. But I know she's alive. That girl is strong. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi pwede.
"Kent!"
Napalingon ako sa taong sumigaw. Nakita ko sila Alex na dumating. Kasama niya sila Ashton at tumatakbo sila papunta sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
