Chapter 4 : She's my property

1.5K 45 1
                                    


Kara's POV


"Aren't you going to wake up?"


Nagtaklob ako ng unan ng may marinig akong boses sa tabi ko. Gahd! I must be dreaming! Pati ba naman sa panaginip ko ginugulo ako ng Kent na yun!


"Kara"

"Hmm" fvck! Bakit feeling ko hindi ako nananaginip? I can clearly hear his voice for crying out loud!


Nasagot lahat ng tanong ko ng may maramdaman akong pumitik sa noo ko na naging dahilan para magising ako sa katotohanan. Agad akong napabangon at tinignan kung sino man ang gumawa nun.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng maiuta ko si Travis na nakangisi sa akin.

"Obviously, ginigising ka" pano siya nakapasok sa kwarto ko? "Pano ko nakapasok?" Mind reader ba siya? "Hindi ako mind reader, the question is clearly written in your face"

Inirapan ko nalang siya "So pano ka nga nakapasok?"



May kinuha siya sa bulsa niya, mga susi. Dun ko narealize na wala na nga pala ako sa dati kong kwarto. Nasa kwarto ko na ako sa bahay namin ni Kent. Bahay na pinagawa ng parents namin para sa amin.

Tinignan niya lang ako, parang siya natatawa na ewan. Alam niyo yun? Yung gusto niyang tunawa pero ayaw niyang gawin. Basta ganun. Ang weird.


"It's first day of school Babe, so might as well fix yourself. Hihintayin nalang kita sa baba"


Bago pa man ako makasagot, tumayo na siya at lumabas na ng kwarto ko. Bakit ba hindi ako masanay na lagi siyang bastos?

Tumayo na ako at diretso sa CR. Maghihilamos na sana ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sobrang pamumula.

Kumurap-kurap pa ako para makasigurong hindi ako nananaginip ngayon.


"That jerk" gigil na sigaw ko at hinawakan ang mukha ko sabay hinga ng malalim. Trying to calm myself down.



"KENNETH ERC NATHAN TRAVIS HARRISON!!!!" Malakas na sigaw ko


Alam kong narinig niya ako. Fvck him! Walangya talaga siya! Bakit ako nagagalit? It's just that, that playful jerk made my face a drawing book for crying out loud!!

Hinawakan ko ang mukha ko at pilit na inaalis ang mga pentel pen na ginamit niya pangdrawing sa mukha ko. Mukha akong pusa na ewan ngayon! Walangya siya!


**


Inis akong bumaba pagkatapos kong maligo. Nakabihis at nakaayos narin ako.


"Oh ihja, bakit namumula yang mukha mo? Nasobrahan ka ata sa make up" nag-aalalang sabi ni Manang ng makuta niya ako

Sinamaan ko ng tingin si Kent na kumakain ngayon, ngumisi lang siya. "May mga peste lang po kasi na gumalaw sa mukha ko. Sa susunod nga po na mahuli ko, baka mapatay ko na" sagot ko habang nakatingin parin ng masama kay Kent.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon