Chapter 20 : Meeting Jackie And His Mom

745 16 1
                                        


[Jackie on the side]


Desiree's POV


Nagising ako ng maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa balat ko. Nilibot ko ang paningin ko. Nasan ako? Sa pagkakaalam ko, pink ang kulay ng dingding ng kwarto ko at hindi blue.

Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo. Kaninong kwarto to? At bakit ako nandito?


"Thank God you're finally awake"


Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si Bryle. Si Bryle? Teka. Sa kanya ba tong kwarto na to?


"What am I doing here?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"You pass out when I pick you up last night" sagot niya


Dun biglang may nag-sink in sa utak ko. Yung nangyari kagabi. Yung lalaki.


Flashback:


[Des, bakit ka tumawag?]

Nakahinga ako ng maluwag ng sumagot na siya. Bryle help me please. Help me.

[Ba-B-Bryl-le] nanginginig na talaga ang boses ko. Nararamdaman kong malapit na yung lalaki sa akin na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Wh-what's wrong?" His voice stutter na siyang ikinagulat ko. Bakit nauutal siya? May nangyari ba sa kanya?

[B-bryle, please help---- Bitawan mo akoo! Ano ba! P-please!]


Bigla nalang kinuha nung lalaki yung phone ko kaya hindi ko narinig ang sinabi ni Bryle. Pilit kong inaagaw sa kanya ang phone ko pero malakas niya akong tinulak sa pader kaya napaupo ako dahil sa lakas ng impact. It hurts! It damn hurts!


"Nice to hear from you Stevenson. She's Desiree Christian right? Poor sweetheart. You know she's next right?" I heard that guy said before completely throwing my phone in the ground. My phone!

"Hello sweetheart" lumapit siya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa nananakit pa ang mga braso ko at dahil narin siguro sa takot.

"S-sino k-ka?" Kinakabahang tanong ko


Umupo siya para magkalevel ang mukha namin. Nagulat nalang ako ng marahas niyang hinawakan ang baba ko.


"Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!" Sigaw ko pero mukhang hindi niya ako initindi at ngumisi lang. Sino ba siya? At bakit niya ako kilala?

"Poor Desiree Christian. Nadamay ka sa isang gulong wala kang kaalam-alam. If only you used your brain. Tsk. Tsk. Poor sweetheart"


Umiling-iling pa siya bago bitawan ang baba ko. Nagsitaasan ang balahibo ko sa kaba ng makitang naglabas siya ng kutsilyo. Papatayin niya ba ako?

"Ma-maawa ka. Wala akong kasalanan. Please. Let me g-go"


Nagsimula ng magtuluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. No. I can't die like this. Madami pa akong pangarap sa buhay. No. I can't die. I can't die right now, dahil pag namatay ako, mawawalan na talaga ng pag-asa na mahanap ko siya. Na mahanap ko si Timmy.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon