Vielle's POV
"Da-daddy?" Narinig ko ang hindi makapaniwalang boses ni Janina. Binalot ng katahimikan ang buong lugar hanggang sa mabasag ito nang may humalakhak ng malakas.
"You witty child. Manang mana ka sa magulang mo." The old man shed his fake tears. Nakatingin siya sa akin habang may nakakalokong ngisi na naglalaro sa mata niya.
"Allison! What do you mean daddy?! Anong pinagsasasabi mo?!" Muling sumigaw si Jana.
Hindi ko napigilan ang pagtakas ng isang butil ng luha sa mata ko dahil sa itsura niya. She looks devastated, confused and guilty at the same time.
Eto na nga ba ang kinakatakot ko. Natatakot akong hindi niya matanggap ang katotohanan. Natatakot akong sisihin niya ang sarili niya sa lahat.
"She's right little girl. Daddy." He said before taking off his fake mask.
Gulat at pagtataka ang makikita sa mukha ni Jana. Halos lahat ay nagulat maliban sa amin ni Travis na walang kibo.
"I am not your dad Ms. Perez." The old man said, wearing my dad's face.
This time, ako naman ang napahalakhak ng sobra. Oh My God. I can't believe that old man deceived me and my family. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ang mga Alcantara.
"You still have one mask to take off, Mr. Chua." I bluntly said.
Mr. Chua looked at me. Amusement is visible in his eyes. Mukhang hindi niya inaasahan na alam ko lahat ng tinatago niya.
"I am your dad, Allison. This is me sweetheart." Malambing niyang sabi.
Napahalakhak akong muli. "I just want to inform you, my dad never calls me sweetheart. Why? Simply. Cause he hates that word."
Mula sa malambing na titig, napalitan iyon ng nanlilisik niyang mata. Ilang segundo lang ay nasa harapan ko na siya at mahigpit na hawak ang baba ko.
"You bitch." He muttered.
"You demon." I counter. Binitawan niya ako at muling tinanggal ang mask na suot niya. And this time, alam kong ito na ang tunay niyang itsura.
Nagkamali silang lahat. Hindi nila kilala ang taong may pakana ng lahat.
It was not my dad, and it was not Mr. Perez. The one who's behind this is the man in front of me. The man who pretend to be Mr. Perez and who pretend to be my dad.
Naalala ko ang time na yun. Kung paano ko nalaman na hindi siya si Mr. Perez. At kung paano ko nalaman na nagpapanggap siyang tatay ko.
Flashback
Mahigpit kong hawak hawak ang picture na nakuha ko sa luma kong photo album. It was a picture of my parents. Kasama nila ang buong gang nila.
Kilala ko ang halos lahat sa kanila dahil nakikita ko sila noong bata pa ako. I also noticed Janina's dad. At may isang tao pang hindi ko kilala.
Pinakatitigan ko ang mukha ng daddy ni Jana. He's different here. Ibang iba ang aura niya dito at sa aura niya noong panahong kinidnap niya ako. It was different. And suddenly, parang bigla akong kinabahan.
Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa library ni Mommy. Pansamantala akong nakatira dito dahil kalalabas ko palang sa ospital at dahil nag-aaway kami ni Travis. He's still throwing tantrums dahil sa pagtakas ko sa ospital para ibalik ang dating kulay ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
