Chapter 63 : Pendant

457 12 3
                                        


Vielle's POV


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. At first, I couldn't see anything. My whole vision is blurry. Pinikit-pikit ko ulit ang mata ko hanggang sa maaninag ko na kung nasaan ako.

We are back inside the room. Iginalaw ko ang magkabila kong kamay at naramdaman ang malamig na kadena sa balat ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at naaninag ko sila Desiree. Nakatali ang isang paa at kamay nila habang nakasandal sa pader at nakapikit.

Ilang araw ba akong walang malay?

"You were asleep for two days."

Napalingon ako ng bahagya ng marinig ang boses na yun.


It's Janina.


Nakaupo siya sa tabi ko. Unlike me, paa lamang at ang kaliwang kamay ang nakakadena sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin ng mabuti. Bakas ang luha sa mga mata niya at namamaga rin ito. Pakiramdam ko bigla akong naguilty.

"Are.. Are you feeling weak or something? May masakit ba sayo?" Tuloy tuloy niyang tanong.

Para bang automatic ang tanong niya dahil agad kong naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Napapikit ako sa sakit habang dinadama lahat ng sakit. I have no bruises pero pakiramdam ko ay binugbog ng ilang araw ang katawan ko sa sakit. Hindi katulad nung unang paggising ko, pakiramdam ko mas lalo pa akong nanghina ngayon. I am drain. Wala na akong lakas sa katawan. I can feel it.

"Bitch. Are you okay?! Bitch talk to me!"

Hindi pa man ako nakakasagot ng marinig namin ang pagbukas ng pintuan. Pumasok ang nakangising si Parker at lumapit sa akin.

Ang akala ko ay may sasabihin siya pero tinurukan na naman niya ako gamit ang syringe na hawak niya.

"Ano bang ginagawa mo?! Stop it you monster!" It's Jana. Ramdam ko ang galit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ngisi lang ang sinagot sa kanya ni Parker bago tumingin sa akin.

Hinawakan niya ang panga ko at pinakatitigan ako sa mata. "Your face is getting paler and paler and I like it." Ngumisi siya ng nakakaloko bago umalis.


Nagtagis ang bagang ko. He should be thankful na ganito ang lagay ko. Magpakasaya siya hangga't nasa ganitong sitwasyon ako.

Muli akong napapikit. Pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid ko. Magkakahalong hilo, sakit sa ulo, panghihina at gutom ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong any time ay magko-collapse na naman ako.

The pain. The pain is unbearable. Hindi ko alam pero parang paulit-ulit na sinasaksak ang katawan ko kahit wala namang kutsilyong bumabaon sa balat ko. It was painful.

"Vielle. Vielle look at me! Bitch look at me!" Narinig ko ang boses ni Jana. I tried to look at her pero hindi ko na magawang ibukas ang mga mata ko.


For the second time, I surrender myself to darkness.


**


Third Person's POV


Mahigpit na nakatali ang limang lalaki sa loob ng isang masikip na kwarto. Naglililikot si Bryle habang pilit na tinatanggal ang tali na nakapulupot sa katawan nila.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon