Chapter 17 : His Past

984 18 0
                                        


Kara's POV


Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nung una ay liwanag lang ang naaaninag ko kaya kailangan kong kumarap-kurap pa. Puri puti ang nasa paligid ko. Tell me, nasa langit na ba ako?


I look around at napagtanto kong nasa ospital ako. Gagalaw na sana ako ng may maramdaman akong kamay na nakahawak sa kamay ko. Sinundan ko ng tingin yun at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Travis. What is he doing here? Akala ko ba may pupuntahan sila nila Ashton?

Marahan kong tinapik ang kamay niya gamit ang isa ko pang kamay. Gumalaw naman agad siya at napaharap sa akin. Gusto kong matawa dahil bigla nalang lumaki yung mata niya. And you know what happens? It's quite unexpected dahil bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Oh-kay? Anong problema nito?


"T-travis. Hindi a-ako makah-hinga"


Nang mapansin niya siguro na sobrang OA na ng pagkakayakap niya ay agad siyang kumalas at hinawakan ang kamay ko.


"God! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo! Thank God you're finally awake!"

Did I just heard things? Tama ba ang rinig ko? Nag-alala sa akin ang isang Kent Harrison? That's a big achievement in life.. Napag-alala ko ang Cold na lalaking ito. Just wow.


"Tatawag lang ako ng nurse"


Wala na akong nagawa ng mabilisan na siyang lumabas ng kwarto. Napalibot nalang ako ng tingin sa kwarto hanggang sa may biglang mag-sink in sa utak ko.

Nasa ospital ako. Y-yung lalaki.. I've been stabbed. Naalala ko, magkasama kami ni Arraine nun para magshopping ng bigla nalang may humila sa aking lalaki. Dinala niya ako sa may parking lot nun at dun na ako natakot ng maglabas siya ng kutsilyo.

Natatandaan ko pa ang mga sinabi niya sa akin bago ako mawalan ng malay. He said that I know nothing. And that's bugging me. Paanong wala akong alam? Anong ibig niyang sabihin sa mga salitang yun?


Narinig ko ang pagbukas ng kwarto at ang pagpasok ng mga nurse at ng doctor na sa tingin ko naka-assign sa akin.


"How are you feeling Mrs. Harrison? May masakit ba sayo?"

Umiling ako sa tanong niya dahil wala naman talagang masakit sa akin. Tumango-tango lang siya at hunarap kay Kent.

"She just need to stay here for two-three days for observation. She looks fine now so no need to worry"


Kent just nod before the nurse and doctor left. Umupo ulit siya sa upuan sa tabi ng kama ko at yumuko. Mukhang puyat na puyat siya ah. Anong nangyari sa kanya?


"Tell me Babe" he said. I can sense seriouseness in his voice. Sa dami ng beses na tinawag niya akong babe, ngayon lang ako hindi umangal. Ewan ko ba, parang ang bigat bugat ng meaning ng pagkakasabi niya nun ngayon. Ang weird niya.

"Tell you what?" I asked him.

"What did that guy do to you? What did he tell you?" He asked me. Inangat niya ang ulo niya and our eyes met. There's something in his eyes. I can see pain and yet I can see anger in those.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon