Chapter 29 : You're Safe

663 12 0
                                    


"Memories are special moments that tell your story."

______________________________________________________________

Kara's POV



Madilim. Madilim na kwarto ang una kong nakita ng binuksan ko ang mata ko. Nasan ako? Ang huli kong naaalala ay ang nawalan ako ng malay ng sumakay ako sa van na yun.

Van.. Dinala ba nila ako dito? Nasan sila? At nasan kami?


Napalingon ako sa pinto ng biglang bumukas yun. I saw th man who stabbed me came in at naupo siya sa may dulo ng kamang hinihigaan ko. Napaupo nalang ako at sumandal sa headboard, afraid of what he's going to do next.


Narinig ko ang pagtawa niya bago siya tumayo at binuksan ang switch ng ilaw. Kinailangan ko pang mag-adjust para makita ang kabuuan ng kwarto. It was like a princess' room. The room looks like my room. Pink walls, pink bed, pink couch and a dresser on the side.


Napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, I am their hostage, pero bakit nandito ako sa napakagandang kwartong to?

The guy sits on the edge of the bed again at ngumiti sa akin. Bakit ba sa tuwing ngumingiti siya sa akin, nawawala ang takot ko sa kanya? He's smiling again, and that confuses me more.



"Do you remember me?" Tanong niya. Hindi ako sumagot dahil naguguluhan talaga ako. Naisip ko na dati na baka nga kilala niya ako, but I didn't expect na totoo nga yun. How did he know me? Bakit hindi ko siya matandaan?

"Nasan ako?" Tanong ko

"In our resthouse in Batangas"


Nanlaki ang mata ko. Rest house in Batangas? Batangas? Omygod! Malapit to sa secret house nila Travis!


"I'm glad you're awake. You've been asleep for 3 days, akala ko hindi ka na magigising pa."

Kung posibleng lumaki pa ang mata ko, ay nagawa ko na. Three days? My God! Three days akong tulog?! Shit!


I heard the guy chuckled kaya naman napatingin ako sa kanya. "I still find it amusing whenever you react like that. You may not believe this, but i did miss you." Sino ba siya? "It's Louie by the way."


Louie? Bakit pakiramdam ko narinig ko na ang pangalan na yan dati pero hindi ko lang matandaam?

Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko habang nakatingin sa kanya. Why can I see pain in his eyes? Bakit parang nasasaktan siya at hindi lang niya mailabas?


Tumingin siya sa akin at ngumiti, hiding the loneliness he has, or not. "I just can't believe A, you're back. You came back."


Hindi nalang ako sumagot. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Bakit ba nila ako tinatawag na A? At bakit parang kilalang-kilala niya ako kahit na hindi ko naman siya kilala? Everything right now is so confusing. Hindi ko alam kung bakit nila ako kailangan, o kung kailangan ba talaga nila ako. At hindi ko alam kung bakit parang ang pamilyar nila sa akin kahit na hindi ko pa sila nakikita noon.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon