Chapter 11 : Weird

1.1K 23 0
                                    


Desiree's POV


"Hindi mo ba talaga ako titigilan?"

Naiirita na ako dito sa mokong na to. Kung makakapit parang unggoy. Close kami ganun? Mukha ba akong puno para ako ang sabitan niya huh?!


"Baby naman. Wag kang mageskandalo. Nakatingin sila oh" aba at nagpout pa! Akala mo naman ang cute niya pag ginawa niya yun! At anu daw?! Baby?! Eh kung suntukin ko kaya siya diyan?

"Hoy Stevenson, wala akong balak na mapasama sa collections mo kaya kung pwede? Layo layo nga!" Pagtataboy ko sa kanya

"Sinabi mo na yan sa akin eh. Hindi ba pwedeng umoo ka nalang?" Tanong niya at ngumiti. Akala mo tatablan ako ng ganyan? Tch.



"Pwede ba? Hindi kita type. At kung maaari? Bilhin mo nalang to. Madami pa tayong kailangan bilhin" sabay abot ko sa kanya ng mahabang listahan. Actually, apat na listahan yan. Andami no? At dahil kami ang napagtripan nila, tig-isa kami ng listahan at hati silang apat sa dalawa. Walangya talaga ang mga yun kahit kailan.


"Hindi rin namaan kita type" bulong niya pero narinig ko kaya naman nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ano kamo?" Tanong ko


Ngumiti siya at tinignan ako mula ulo haggang paa. Aba! Nakakainsulto ang isang to ah! Siya palang ang unang tao na gumawa sa akin niyan.


"Hindi ka naman kagandahan. Wala karing curve. Hindi kadin matangkad. Tyaka wala kang maipagmamalaki" sabay tingin niya sa dibdib ko "Flat chested"

Agad naman na nag-init ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Walagya talaga sya kahit kailan!


"Bastos!" Sabay hampas ko ng malakas sa kanya at naglakad na habang tulak tulak ang push cart ko.


Ang lakas ng loob niyang laitin ako! Duh! Hindi niya ba alam na kinaiinggitan ng lahat ng katawan ko. Tapos gaganun-ganunin niya lang? At ano daw? Flat chested? Nakakasakit na siya ah! Aminado naman akong hindi siya malaki, pero hindi ako flat chested! Never! Arghh!! Ano bang pinag-iiisip mo diyan Desiree Christian? Wag mo siyang pansini. Wala lang magawa sa buhay yung lalaking yun.


Nag-ikot na ako sa market at binili ang nakasulat sa listahan. Mga kakailanganin lang naman namin like, seasonings, junk foods, vegetables, meat, etc.

Ayaw kasi naming umoorder palagi sa hotel. Bukod sa pare-pareho lang ang sineserve, nakakasawa pa. Mas mabuting kami nalang ang magluto. Marunong naman kami. Aba, tinuruan kami no!


Matapos kong bilhin lahat ng kailangan ko. Hinanap ko na si Bryle. Baka mamaya kung saan-saan na nagsususuot yung lalaking yun.

Agad ko naman siyang nakita. Tatawagin ko na sana siya ng mapansin kong seryoso siyang nakikipag-usap sa phone niya. At dahil dakilang chismosa ako, lumapit ako sa pwesto niya at nagtago sa may stand ng prutas.


Nakinig lang ako sa boses niya. Mukha kasi talaga siyang seryoso. Parang may problema siya at inaayos niya.

"I told you. As soon as we come back, tatawagan kita. Don't contact me if it's not important. Yeah"


Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon