Vielle's POV
Maaga kaming ginising ng mga prof namin. We just ate breakfast bago kami pinabalik sa may mga rooms para mag-ayos ng gamit para sa mountain climbing. Yep. You read it right. We're going to climb a mountain. Talagang pinapahirapan kami ng mga prof namin.
"All done?" Tumango ako kay Desiree at sinuot na ang bag ko. I also wear my white cap and a black sneakers. Lumabas na agad kami sa kwarto at dumiretso sa may grounds kung saan naghihintay na ang ilang estudyante.
"Did you stayed up all night?" Sinalubong kami ni Arriane at Casey ng yakap. Hindi ko sila sinagot at nag-focus nalang ng atensyon sa paligid. They are right. I stayed up all night. Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Janina. About her, hoping that I will not regret my decision.
Mga ilang minuto pa kaming naghintay para makumpleto ang lahat. Pinapila kami bawat section at binigyan ng isang boteng tubig.
"OKAY STUDENTS! YOU WILL NOW START MOUNTAIN CLIMBING! AT THE PEAK OF THE MOUNTAIN, THE DEAN IS WAITING FOR YOU AND THE FIRST TEN TO ARRIVE THERE WILL BE GIVEN A PRIZE! SO STAY STRONG KIDS. START NOW!"
Hinila na ako nila Casey papunta sa may daan kung saan aakyatin namin ang bundok. Huminga ako ng malalim bago magsimulang maglakad.
"I can't believe them. Talagang pinapahirapan nila tayo." Nagsisimula nang magreklamo si Desiree sa tabi ko. Ilang metro palang ang nalalakad namin pero masakit na talaga ang paa ko.
"I wish I can just fly." Hinihingal na sabi ni Arriane. Umupo ako sa may bench at nagpahinga. Marami ring nandito dahil nga sa malayo layo narin ang naaakyat namin.
"Spare me please!" Humiga si Des sa may kahoy at uminom ng tubig na hawak niya. Sakto namang nakita namin sila Bryle na nagtatawanan habang umiinom ng tubig. Para bang wala lang sa kanila kahit na umaakyat sila sa bundok. Hindi ba sila napapagod?
Napatingin sila sa amin at tumakbo si Bryle para syempre, puntahan ang girlfriend niya. Desiree is not paying attention to him at nakapikit lang ito, enjoying the rest she's having right now.
Napabuntong-hininga ako at naglakad nang muli. Narinig ko silang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Higit isang oras rin ata akong naglakad bago ako tumigil sa may tabi kung saan makikita ang view ng buong lugar. Malapit na ako sa may taas pero parang ayaw kong umakyat dun. Mahigit tatlong oras narin kami dito.
"What are you doing here?" A voice spoke.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hindi siya pinansin. What is he doing here now?
"Not now Vixel. Please." I pleaded. I'm not in the mood to talk to anyone.
"Kara--"
"It's Vielle." Nilingon ko siya at tinitigan gamit ang pinakamalamig kong tingin.
"You're still Kara."
"No," umiling ako sa kanya. "Yung babaeng minahal ka at nagpakatanga sayo noon, siya si Kara. At ang babaeng katapat mo ngayon ay hindi siya. My name is Vielle not Kara. Don't call me by that name."
"Look. Hindi kami ni Violet. I'm just using her, to make you jealous. So please list---"
"Bakit ka ba nagpapaliwanag? Hindi naman tayo so save your explanation. And you're using her? Haha. And here I thought that you're still a nice guy. But you just proven me wrong." Inilingan ko siya at inirapan. "Don't use her. Learn to treasure her when she still loves you. Dahil kapag natauhan na siya, wala nang ibang magmamahal sayo dahil mismong sarili mo ay hindi mo kayang pahalagahan."

BINABASA MO ANG
Rule Number One
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...