Arriane's POV
"Want to go out with me?"
I was jamming with the song playing in my room when kuya suddenly came inside and asks me to go out. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay bago patayin ang kanta.
"Where?" I asked him. I'm not really in the mood to go out right now. I'll just go with him if I like the place.
"Amusement park?"
Just by the mention of the place sent sparkles to my eyes. Oh My God, it's been years since I last went to that place. How I miss childhood.
"I'll be ready," nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo. Narinig kong tumawa si Kuya bago ko narinig ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto ko.
Almost an hour ng matapos akong maligo. I picked the simple clothes I have. A reaped jeans and a simple white shirt. Sinamahan ko ng puting converse at isang maliit na handbag para paglagyan ng cellphone at wallet ko.
Pagkatapos nun ay nag-ayos lang ako ng konti bago lumabas ng kwarto ko. Nakita kong nasa baba na si Kuya at nakabihis habang hinihila niya ang paa ng naglalarong Klein pababa sa sofa.
"Ayoko nga sabi! Kuya naman! Baka matalo ako!" Narinig kong sumigaw ang nakababata naming kapatid habang tutok na tutok ang mata sa game na nilalaro niya. He's throwing tantrums, here we go again.
"Isa! Sabi ng sasama ka eh!"
Hinigit-higit pa siya ni Kuya hanggang sa mahulog na siya ng tuluyan sa sofa dahilan para mabitawan niya ang controller na hawak niya.
"Wala na! Talo na ako!" Agad na kinuha niya ang controller at pilit nirevive ang character niyang talo na. Muntikan na akong matawa dahil sa kanya nun. "Ang game na pinaghirapan ko!"
Tumingin siya kay kuya at sinamaan to ng tingin. "Kuya kasi! Alam mo bang pinaghirapan ko yun?! I spent hours para ma-broke yung dati kong record pero wala! It's all in vain now!"
Ngumuso siya kaya tuluyan na akong napatawa. Sabay silang napatingin sa akin. Si kuya na napailing nalang at si Klein na ang sama sama ng tingin sa akin ngayon.
"Wag mo siyang pilitin kung ayaw niya, kuya." Umiling pa ako bago kumapit sa mga braso ng kakambal ko.
"Have fun alone, baby bro." nginitian ko siya bago guluhin ang buhok niya.
"Pasalubong ko ha!" Rinig kong sigaw niya nang nasa may pinto na kami.
I hop in to kuya's convertible before he starts the car's engine. Nilasap ko lang ang sariwang simoy ng hangin na humahampas sa mukha ko. This is why I love riding convertibles, nalalanghap ko ang fresh air.
"Enjoying this so much?" Kuya laughs beside me while fixing his gaze on the road. I laugh with him and put on my sunglasses, "Totally."
The ride was long but I enjoy it so much. Madami kaming dinaanan ni Kuya bago kami makapunta sa may amusement park. Wahh!!
"You missed this don't you?" Kuya chuckled and put his arm around my neck. Ginulo niya ang buhok ko ng parang ginagawa niya sa aso niya.
"Let go!" Inis ko siyang hinampas bago magmartsa papunta sa may bilihan ng ticket. After we purchase them, excitement cover my whole being as I run towards the entrance. Excited na talaga ako.
"Kuya kuya! Dun tayo!" Tinuro ko ang umaandar na roller coaster at hinila siya para pumila. Ilang minuto lang din ay nakasakay na kami at para bang nagniningning ang mga mata ko dahil sa saya!
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...