#02 Let's Make it Real

332 8 1
                                    

KEISH'S POV

"Manong para po !  Sa St. Jacobs lang po ah....!" psssshh di ata ako narinig ni manong driver ah bingi ba to??! "Manong sa tabi lang po.." ulit ko pa. Tsk! Binge nga!

"MANONG SA TABI LANG PO !!!" pasigaw kong ulit sa pagpara. Diridiretso lang kasi sa pag andar ang dyip. At kapag hindi pa sya tumigil ay baka lumagpas pa ko.

"Aba ineng di naman ako bingi para sigawan mo ng ganyan.." iritableng sagot naman ni manong habang piniprino ang dyip.

"Ano daw yun manong?? parang ako yata ang nabingisa sinabi mo ah...late na nga ako nagpapatawa pa kayo? Hindi daw bingi samantalang kanina pa ko pumara sa unang kanto pero umabot pa ko dito sa pangalawang kanto?"...pangisi-ngisi kong sambit habang pababa ng dyip pero medyo mahina lang naman. Hindi naman ako bastos. Haha nang aasar lang.

At pagkababa ko "salamat po manong !" hehe sumigaw ulit ako na parang gusto ko lang asarin si manong driver..at nkatingin din sakin ang mga pasahero ng dyip..parang narinig nila ang mga bulong ko kanina habang pababa dahil parang matawatawa din sila..

"Hala teka ! putek.!" naalala ko late na nga pala ko. Si manong naman kasi eeeee...

Ayun nagkukumahog akong tumakbo papunta ng classroom namin at feeling ko talagang late na !!

"Ok class exchange your papers with your seatmates"  dinig kong sabi ni Ms.Reyes..ang Physics teacher namin..oh diba bongga first subject pa lang mapapalaban kana.

"Oh-ohww ! Ahmm good morning Miss sorry I'm late..." malumanay kong bati habang medyo nakayuko pa.

Kelan pa naging huwaran ang class president na late?? Nyahaha

"Ohh Ms. Acosta napapadalas ata ang pagkalate mo this past few days..ok come in and take your seat" yan si Miss ! Mabait sakin. 

"Hoy babae ka !! anong pinaggagawa mo at lagi ka yatang late pumasok nitong mga nakaraan?"  pabulong na usisa sakin ng best ever friend ko na si Rima pagkaupo ko sa tabi nya.

Yeah were seatmates. para saan pa ang pagiging mag bestfriend diba??

Rima Shy Herrera16 yrs of age..ang best friend ko since I first came to this school..kung inaakala nyong she looks like me well nagkakamali kayo dyan, kumpara sakin wlang wala ako sa kaibigan ko..

Isa lamang akong simpleng babae na may simpleng pamumuhay..Oo professors sa prestihiyosong university ang parents ko pero nakamit nila yung success na yun dahil sa utak at pagsisikap kaya eto ako ginagawa ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral.. (epal ako nuh?? ok back to Rima)..

Napakaganda ng kaibigan kong yan, tisay ! lahat na yata nasa kanya na..matangkad at porselana ang kutis, matalino din, mayaman at syempre mabait..ewan ko nga ba anong nakita nyan sakin at ako ang piniling maging kaibigan.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon