#03 Confession

224 6 0
                                    

KEISH'S POV

Kinabukasan 6:00 am pa lang ay nakasakay na ko ng jeep. Hehe hindi naman sa excited ako masyado! Talagang hinanda ko lang ang sarili ko para sa araw na to!

Pinag isipan ko talaga ng mabuti at pinaghandaan ang gagawin ko ngayong araw. Wala na talagang atrasan. Kabahan man o hindi go na to!!

  

Personal kong haharapin si Lester at sasabihin sakanya na gusto ko sya.

Oo! matigas na kung matigas ang mukha basta I'm desperate na talaga to tell what I feel towards him. Wala naman sigurong mawawala diba?

Habang papasok ako ng gate ng school nakita ko din na pababa na si Rima sa kotse nila at patakbong lumapit sakin.

  

"Oy bess seryoso ka ba sa pinaplano mong gawin?" tanong nya sakin na parang sya pa ang kinakabahan. "yup !" tipid ko namang sagot na poise pa ng todo sa pagkakangiti. I'm sure of it!!

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan huh?" tinext ko kasi sya tungkol sa napag-isipan ko kagabi kaninang umaga bago pa man ako umalis ng bahay kaya alam na nya ang plano kong pagtatapat ngayong araw na to kay Lester tungkol sa nararamdaman ko.

"Anong nangyari teh?? parang kahapon lang ikaw ang nagmulat sa malabo kong mga mata para tumigil na sa pagpapantasya at ngayong susundin ko na ang mga sinabi mo parang pipigilan mo pa talaga ko?? gulo mo bess huh!!!"  sabi ko sakanya habang nakapamewang pa at napairap. Labo din nito ni Rima. Kahapon lang parang pinupush akong tigilan ang mga fantasies ko, tapos ngayong titigilan ko na at susubukang totohanin parang kumukontra naman?! Babae talaga!!

"Eh kasi naman bess kinakabahan lang ako sa gagawin mo baka mapahiya ka lang, alam mo naman yung Lester na yun suplado masyado at di yata marunong makipag-usap sa tao..." walang preno nyang dada sa harapan ko. Kita ko sakanya ang pag aalaa. Kaya naman pala. Concern ang bess ko sakin at ayaw lang akong mapahiya! Hehe sweet!!

  

"Don't yah worry my bess Rima. Napaghandaan ko na to.! Ano mang mangyari sa gagawin ko tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib." sabay mahinang hampas ko sa dibdib ko at taas noo pa na parang nagpapahiwatig na paninidigan ko anumang sinasabi ko.

"--I will be thankful if maapreciate nya yung feelings ko para sakanya, then kung hindi naman siguro I'll respect his decision na lang. And take note of this huh - kung hindi sya marunong makipag-usap sa tao then I'm gonna be wild para lang kausapin nya ko... RAWWRRR ...!" parang lion ko pang itinutok ang mga kuko sa mukha ni Rima at sinabayan pa ng nagtatagisan kong mga ngipin na puro braces .

POK!!!! 

"Ouch !!! kelangan talaga may batok bess??" binatukan nanaman kasi nya ko. Napahawak na lang tuloy ako doon at bahagyang napahimas na rin. Hindi naman ganun kasakit, nakakabigla lang talaga. Well sanay na din ako ng bahagya sa paganyan ganyan nya. Tapang kasi yan eh, kagandang babae pero daig pa ang amazona.

"Para kang timang eh !, eww.. . tsaka wag ganun! di bagay sa get up mo magpakawild nuh!" parang nandidiri pa sya sabay tabing sa kuko ko na nasa harapan nya. Grabe to!!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon