#69 Reality Strikes

101 4 0
                                    

RIMA'S POV

Nalulungkot ako, nahihirapan at nasasaktan.

Bakit kung kailan ayos na ang lahat? Bakit kailangang mangyari pa to'? Masaya na kami, masaya na sila Keish at Lester, masaya na ang mga kaibigan ko, pero sa isang iglap lang ay binawi agad ang kasiyahang pinadanas sakanila.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin tuwing naghuhuromentado ang bestfriend ko dahil hindi nya matanggap ang nangyari kay Lester.

Masyadong masakit iyon para sakanya.

Ang buong akala nya kapag nakakita na sya ay tuloy tuloy na siyang magiging masaya, pero parang kabaliktaran ang nangyari. Sa halip na maging masaya ay para bang mas lalong nagunaw ang mundo nya, parang binawi ang buhay nya.

Saksi ako sa kanilang pagmamahalan kaya naiintindihan ko kung gaano kasakit kay Keish ang malamang wala na ang taong pinakamamahal nya, at ang mas masakit pa ay sarili nya ang sinisisi nya kaya nawala si Lester.

Pinili ni Lester na isakripisyo ang sarili para kay bess. Ginusto nya iyon para makakita si Keish at hindi na maghirap pa tuwing makakaramdam ng pananakit ng mata at ulo, ganun nya kamahal ang kaibigan ko. Ni hindi na niya inisip ang sarili, mas inisip nya si Keish.

Kaya ayaw namin munang sabihin sakanya ang nangyari kay Lester dahil gaya ng inaasahan ay hindi nya agad iyon matatanggap, magiging napakahirap at napakabigat niyon sakanya. At mukha ngang mas malala pa sa inaasahan namin ang nangyari. Ni hindi sya makausap, panay tulo lang ng mga luha sakanyang mga mata, walang patid at parang walang katapusan. Pati boses ay parang wala na rin dahil sa lakas ng paghagulgol nya kanina ng mapagtantong totoo ang nalaman nya. Sobra ang paghihinagpis nya, maging kami din. Hindi lang dahil sa nangyari kay Lest, pati na rin kay Keish dahil isang napakabigat na pagsubok ito para sakanya.

Kailangang kayanin ni Bess to'.

Andito naman kami, at hindi namin sya pababayaan.

Katahimikan at puno ng kalungkutan ang lahat kanina habang ginaganap ang funeral mass. Ilang sandali lang ay dumating na ang mga lalaking magbubuhat sa ataol ni Lester para ihatid sya sa kanyang huling hantungan. 

Biglang nagsilapitan ang mga lalaki at tangkang bubuhatin na ang ataol. "Te-ka! Teka! San nyo da-dalhin si Lest?! Bitiwan nyo yan!!" napatingin kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Keish na namamaos pa. Sinabayan nya din iyon ng takbo papunta sa may ataol at iniharang ang sarili dahilan para mapatigil ang mga lalaki sa pagbubuhat. Halos hampasin din nya ang mga kamay ng mga lalaki tuwing magtatangka itong humawak sa ataol.

"KEISH!" halos sabay-sabay naming tawag at nagsilapitan papunta sakanya. Kasama din naming lumapit kay Keish ang Mama at Papa nya pati na rin ang mga magulang ni Lester.

"Nak hayaan mo na sila. Ngayon ang libing ni Lester at kailangan na nyang maihatid sakanyang libingan." mahinahong sabi ni Tito Theodore kay bess ngunit parang balewala lang iyon sakanya.

Tumingin lang si bess kay Tito Theodore. Nagulat kami dahil bigla na lamang syang napangisi, "ano bang libing ang sinasabi mo pa?! Nakadrugs ka ba?! Si Lest? ililibing? Papakasal pa nga kami eh!" tapos ay tumawa sya. Yung tawang puno ng sakit, yung tawang pilit. Masyadong masakit sakanya ang nangyari kaya ganun na lamang ang epekto sakanya.

"Anak tama na... tanggapin mo na.. mahirap alam namin..masakit...pero kailangan mong tanggapin na wala na sya...wala na si Lester..." lumuluhang sabi naman ni Tita Merci. Kami naman ay nag-umpisa nanamang magsituluan ang luha.

Biglang tumahimik si Keish. Ni hindi kumurap ang kanyang mga mata kasabay ay ang paglandas ng mga luha doon.

"Hin-di Ma... papakasalan nya pa ko.. .Maaaaa... .buhay pa sya...! buhay pa si Lester....." umalingaw-ngaw sa buong chapel ang paghihinagpis nya at ang paghikbi naming lahat. "Please wag nyo syang kunin..." sabi pa nya habang umiiyak at hinawakan ang braso ng isa sa mga lalaking naroon para buhatin ang ataol ni Lester pasakay sa karo.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon