KEISH'S POV
Palabas na kami ng bookstore ni Neri para sundan yung crush daw nya. Nakalimutan kasi nito yung car key nya kaya inihabol namin.
"KEISH!" dinig kong pasigaw na tawag sakin ni Neri.
Bigla naman akong napahinto sa pagsunod sakanya noon dahil napansin ko si Prince na parang may babaeng sinusundan ng tingin. Sumenyas na lang ako kay Neri ng 'psst' at 'teka lang' kaya hindi na nya muna ko ginulo. Para din kasing may nakita syang isang kakilala at nagkabatian sila.
Di ko alam pero nacurious lang ako kaya dahan dahan ko syang nilapitan. Matagal na din kasing wala kaming nababalitaan na dinidate nya or something.
At dahil nga sa habol tingin nya dun sa babae ay hindi nya napansin ang paglapit ko.
"Hoy!!" untag ko sakanya.
"Ahy langya nam----!!!" gitlang sigaw pa nya.
"Hala Keish!!! Sorry. Sorry. Sorry. Kasi naman ba't ka nanggugulat ayan tuloy namura pa kita!!" taranta namang saad nya na nakahawak pa sa magkabila kong balikat. Halatang alalang alala sya dahil sa namura nya ko.
"Ahahahahah!! Okay lang, kasalanan ko naman. Ahahahaha kaw ah, kelan ka pa naging manyak??!" natatawa pa habang tinutukso ko sya. Napakamot naman sya ng ulo. Siguro alam na nya yung tinutukoy ko.
"Oy sinong manyak? Ako? Hindi no!!" depensa nya sa sarili. Halatang nakakaramdam na sya ng pagkapahiya.
"Tss okay lang yan. Natural lang yan sa isang lalaking walang lablife.. Yung magnasa paminsan minsan. Nga lang hanggang tingin na lang. Ahahaha" natatawa ko pang sabi habang hinihimas kunyari ang likod nya.
"Ansaket naman nun!! Kaw kasi!!" siya.
"Oh baket naman ako?? Ikaw tong ayaw maglablife ako pa sisisihin mo!!" sabi ko naman.
"Binasted mo ko eh!! Hahaha. Halata namang mas gwapo ko dun sa fiance mo!!" payabang nyang sabi pero alam ko namang nagloloko lang sya. Tinaasan ko sya ng isang kilay.
"Hehe este magkasing gwapo lang pala kami.!" dagdag pa nya. Haha natakot sa kilay ko.! Sabi ko na eh, kahit ahit na yan makamandag pa rin ang kilay ko.
"Sus!! Kaw talaga!!! Teka maiba ko. Sino ba yung babaeng pinagnanasaan mo kanina? Di mo kilala?" ayos na tanong ko at umiling iling naman sya.
"Haha masama na to'! Baka isang araw bigla kana lang mang sunggab dyan!!" biro ko pa. Agad naman nyang natakpan ng kamay ang bibig ko.
"Oy hala naman Keish baka may makarinig kung ano isipin ng mga tao sakin dito.!" taranta nyang sabi. Haha defensive.
Para namang agaw atensyon yung mga sinbai ko dahil may mga taong nakatingin samin. Nagpeace sign na lang ako. Baka nga kung ano pumasok sa isipan nila patungkol kay Prince pag nagkataon.
"Hehe sorry." sabi ko na lang sakanya at ginulo naman nya ang buhok ko.
"Naman eh! Ayos ayos nyan guguluhin mo!!" maktol ko sakanya pero parang natuwa pa sya.
"Kaya nga ginugulo kasi ang ayos! Baka mainlove nanaman ako sayo eh!!" biro nya at nagmakeface naman ako pero natawa lang sya.
"Hahahaha!" at nagkatawanan kami.
"Anong ibig sabihin neto!!??" natigil kami sa pagtawa ng bigla naming marinig ang boses na iyon. Paglingon namin ay nakacross arms pa ito na para bang may pagdududa sa itsura.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Beletriethe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!