KEISH´S POV
"Keish tama na, it´s our special day, it´s your special day. We should celebrate. Stop crying okay?" ika ni Adam na halatang pinapagaan ang loob ko.
"Sorry Adam ah, kasi di ko talaga alam kung papano magsasaya pagkatapos nang mga narinig at nakita ko. Ang sakit eh. Ni hindi ko nga alam kung pano pipigilan tong mga lokong luha ko!" tears still falling down on my face. Di ko alam kung kelan matatapos sa pagpatak ang mga luha ko.
"I know it hurts, and its hard. Di ko man aktong nakita ang mga nakita mo at narinig ang mga narinig mo, I can feel the pain that you´re feeling right now. Nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot at sakit Keish. Kung pwede lang na ngayon din ay sugurin ko si Lester at bigyan ng isang malakas na suntok I will, but I´m not in the position to do so. And I want to listen with his explanations first." sa malumanay na pagkakasabi ni Adam.
"No need!" mabilis at malakas kong naisagot sa ideya nyang pakinggan ang mga explinasyon ni Lester. No explanations needed, I´ve heard enough, and what I´ve seen was more than enough.
"Keish, if you´re not going to confront them about those things di mo malalaman ang dahilan kung bakit nila nagawa sayo yun, at kung pano nila nagawang saktan ka. Ikaw na napakabuting kaibigan. Naging saksi din naman ako kung gaano ka kahalaga sakanila. Hindi ko lang maintindihan bakit nila nagawa to'?" malungkot sya. Nakikisimpatya sya saakin na para bang nararamdaman din nya ang sakit na nararamdaman ko.
"Ano man ang dahilan nila wala na kong pakialam, di naman na mawawala ang sakit na ginawa nila eh. Eto na oh, masakit na!" sabay hampas ko sa dibdib ko habang walang patid pa rin ang pagdaloy ng mga luha pababa ng pisngi ko.
"Kung ayaw mo, ako na lang ang kakausap sakanila." pagpipilit ni Adam.
"Adam please, wag na lang... ." garalgal na pakiusap ko. "Hangga't maaari ayoko ng maita pa sila, ayoko ng magkaron pa ng ugnayan sakanila. Tama na ang mga narinig ko, nasaktan na ko ng sobra. Hindi ko na kakayanin pang makarinig ng mga bagay mula sakanila na mas ikakadurog ko pa." dagdag ko pa at nag umpisa nanaman syang aluhin ako. Patuloy lang sya sa paghimas sa likod ko at pagpapatahan sakin sa pag iyak.
"But Keish---" hindi na nya natapos pa ang sasabihin nya ng tingnan ko sya. Batid kong nakita nya sa itsura ko ang labis na pagkalungkot kaya sa halip na ituloy ang pagsasalita ay marahan na lamang nyang hinimas ang balikat ko ng kabila nyang kamay.
"Please?? It doesn't matter anymore. Para saan pa diba?? Pinagmukha na kong tanga eh!! Pinaikot na, kung pano ko pinaikot ang mundo ko sakanila ganun din nila ko pinaikot at pinaglaruan sa mga kamay nila.!" mahina ngunit may bahid ng galit na sabi ko.
Hindi ko na mapigilan ang emosyong nararamdaman ko sa loob ko. Ano bang kasalanan ko at nagawa t'o nang mga taong sobrang pinagkakatiwalaan ko? Akala ko ba okay na ang lahat? Akala ko ba okay na kami? Akala ko ba mahal na nya talaga ko? Akala ko ba umpisa na to' ng magandang relasyon sa pagitan namin? Naging magkaibigan naman kami diba?
Akala lang pala talaga ata ang lahat !
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!