#47 Missin'

96 3 0
                                    

LESTER'S POV

It's been five years.

I can't imagine how I survived this long - without her. Alam kong matagal ng panahong maituturing ang limang taon para kalimutan ang isang tao o sapat ng panahon iyon para makalimot ka. But I didn't do that. I don't want to forget her and funny cause I'm still holding on with the feelings inside my heart.

Ganun naman talaga diba? Mahal ko sya eh. At alam ko kung gaano nya din ako minahal, sapat ng dahilan yun para hindi ako bumitaw.

I know time will come and we'll meet again. Hindi ako susuko at hahayaan ko na lang ang tadhanang gumawa ng paraan para mag krus ulit ang mga landas namin. At sa oras na dumating na ang tagpong iyon ay sisiguradohin kong hindi na kami magkakahiwalay pa.

Napakabilis lumipas ng panahon. Wala akong ibang ginawa kundi ang isubsob ang sarili sa pag-aaral. Halos eskwelahan at bahay na lang ang lugar na nakakayanan kong marating. Ni wala akong ganang maglakwatsa o magsaya kasama ang mga kaibigan ko.

I'm too far from those ordinary college students who used to hang out and have fun during night outs. Wala akong hilig sa ganoon. Wala akong hilig magsaya. At kahit ang simpleng pagngiti o pagtawa ay kinawalan ko na rin ng hilig.

Kasalukuyan akong narito sa kwarto kaharap ang laptop at mga notes na kailangan kong pagtuunan ng pansin ng biglang may kumatok.

"Son tama na muna yan, mag dinner kana muna." my Dad. "Sige po Dad, susunod na lang ako." sagot ko na lang habang patuloy pa rin sa ginagawang paper works. "Be sure, lagi kana lang nag e-skip ng pagkain. Take care of your health too." sabi nya pa at naramdaman ko na ang mga yabag nyang papalayo.

Maya-maya pa ay isinara ko na muna ang mga notes at laptop. Tumayo para pumunta sa dining table at kumain. Tama nga si Dad, I need to take care of myself. Ayoko namang payatot na ko kapag nagkita na kami ulit.

I already completed my four years of pre-medical undergraduate education as a requirement to be an ophthalmologist and now I am at my first year in medical school for my medical degree.

Wala na ata akong kasawaan sa pag aaral. I don't know why I came with this kind of career. Hindi ko talaga alam noon kung ano ang gusto ko after kong ayawan ang pagiging lawyer. Then it end up na ophthalmologist ang napili ko.

It happened when I saw a young girl sitting on his wheelchair. She caught my attention when I heard her singing so nilapitan ko sya. I tried to talk to her pero ngumiti lang sya. At habang nakangiti sya ay iisang tao lang ang naalala ko sa napakatamis nyang ngiti. Yung ngiti na nakakapagpagaan agad ng bigat sa loob ko - parang ngiti ni Keish.

Then nakita kong may lumapit sakanyang babae, it's obvious na sya ang mommy nya dahil magkamukha sila. Pinagmasdan ko lang silang mag-usap and as I observed them nakita ko kung paano na lang kapaan ng batang babae ang mukha ng mommy nya para haplusin ito at halikan sa pisngi.

And there I realized that she's blind.

Alam kong mahirap ang mabuhay ng walang paningin dahil hindi mo makikita ang mukha ng mga taong gusto mong makita. Hindi mo sila agad mahahawakan kapag gusto mo silang hawakan. At mahihirapan kang iparamdam sa mga taong mahal mo kung gaano mo silang kamahal dahil hindi mo magagawa agad ang mga bagay na gusto mong gawin para mapasaya sila.

She inspires me. At dahil doon ay nagpasya kong tulungan ang mga taong pinagkaitan o binawian ng paningin.

I wanted to help them. I wanted everyone to see how beautiful is the world. Gusto kong makita nila ang liwanag at tamang daan tungo sa mga bagay na makakapagpakasaya sa bawat isa sakanila.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon