LESTER'S POV
Dapat masaya ko ngayon eh kasi sa wakas graduation na. Ito yung pinakahihintay ko, ito yung dahilan kung bakit kami nagkalapit ni Keish. Pero sa dami ng mga nangyari at pinagdaanan ko tumaliwas ang lahat sa plano.
Yung plano na kailangan kong makagraduate para makalayo na ko sa bahay namin at makatakas na ko sa mga magulang ko ay biglang hindi ko na gusto. Lahat bumaliktad nang makilala ko si Keish. Hindi ko namamalayan habang napapalapit ako sakanya noon nababago nya din ang mga pananaw ko sa buhay, ang buo kong pagkatao. Nabago nya lahat lahat.
Naging porsigido ko sa pag-aaral at natuto kong makipagkaibigan. Nagkaron ng oras sina mama at papa para iappreciate ang mga improvements and achievements ko hanggang sa magkapatawaran kami at magkasundo. Higit sa lahat, nagbukas ang puso kong dati ay nakasarado na.
At ito ay dahil sa iisang tao, sa taong isa sa pinakaimportante ngayon sa buhay ko - si Keish. Kung alam ko lang sana na magiging ganito ko kasaya sa piling nya sana noon pa lang hinanap ko na sya. Wala pa kaming isang taong magkakilala pero binago nya na ko, at kung anumang pagbabago saakin ang naidulot nya lahat yon ay nagustuhan ko.
Lahat nakabuti sakin.
Sana kahit grumaduate na kami ay manatili ako sa puso nya, sana hindi magbago ang nararamdaman nya para sakin. Natatakot ako na baka pag nag mature na sya marealize nyang infatuation lang pala yung feelings nya para sakin, natatakot ako na baka hindi pa pala sya siguradong mahal nya ko, at natatakot ako na baka may makilala syang ibang lalaki na mas hihigit pa kesa sakin.
I don't know how to live my life withour her.
Leche !! Ganito ba ko kaduwag? Puro takot pinapairal ko eh. Ako na yatang ang gwapong lalaki na hari ng kaduwagan !
Umalis na ko sa harapan ng salamin at lumabas ng kwarto. Tenext ko muna si Keish.
From: Me
Ms. Valedictorian may sasabihin ako mamaya after your speech. Meet me at our place.
From: Keish
Okay Mr. honorable, see ya ! :-*
Napangiti naman ako sa reply nya, may kiss pang kasama.
"Lester anak gwapo kana tama na yan. Bumaba ka na at baka malate pa tayo, yung Daddy mo nasa kotse na mukhang mas excited pa sayo." rinig kong sigaw ni Mama sa ibaba. Kanina pa sila bihis. Nakakatuwa lang isipin na mararamdaman ko pa pala pagkatapos ng lahat lahat na hindi namin pagkakasunduan.
Ang sarap lang sa pakiramdam.
"Opo Mom, pababa na." Mama's right. Talagang parang mas excited pa sakin si Daddy lalo na nung malaman nyang nag honor ako. It really feels great seeing my dad so proud of me like this, and Keish is the reason again.
"Oh halika na !" tawag pa nya pagkakita saakin na pababa ng hagdan. She's so gorgeous, napakaganda ng Mommy ko. Hindi naman halatang pinaghandaan nya ang araw na to'.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!