#67 Fake Smile

100 4 0
                                    

KEISH'S POV

"Mahal na mahal kita Keish wag mong kakalimutan okay?" tumango ako.

"Syempre hinding hindi no! Mahal na mahal din kaya kita?" sagot ko naman sabay yakap sakanya.

"Aalis muna ko ah..?" tanong nya kaya bigla akong napabitaw sa pagkakaakap.

"San ka naman pupunta?" 

"Hmm sa isang magandang lugar... ." ngumiti pa sya. Napakagwapo nya talaga. Teka nakikita ko na sya? Oh my!

"Kelan pa ko naoperahan? Haha tingnan mo oh?! Nakikita na kita!" sabik akong napahawak sa mukha nya. Walang pinagbago, parang dati lang. Pinakatitigan ko ang kabuuan ng mukha nya. Sobrang namiss ko talaga iyon.

"Sabi ko naman sayo gagawin ko ang lahat diba?" sabi nya sabay halik sa noo ko. Biglang kumabog ng malakas sa may looban ng dibdib ko. Grabe. Hindi ko naman first time mahalikan nya pero ganun pa rin kalakas ang epekto.!

"Salamat...Teka, pwede bang sama na lang ako sa pupuntahan mo?"

"Hindi pa pwede sa ngayon.. .Pero balang araw makakapunta ka din dun.. Hihintayin kita.."

"Hihintayin? Eh di ibig sabihin matatagalan ka bago bumalik?" tumango sya. "Eh magpapakasal pa tayo diba? Sabi mo pagnakakakita na ko papakasal na tayo"

"Doon na lang tayo sa magpakasal.. .Kaya ko namang maghintay, pero wag kang magmadali ah? Antayin mo yung tamang oras..."

"Eh ayoko!! Gusto ko kasama kita.."

"Gusto ko rin namang makasama ka, pero hindi ka pa pwedeng sumama sakin ngayon..Sige na, alis na ko.."

"Teka lang!! Sama ko!! LEST?! LEST?!! LEST ANTAY!!" umalis na sya. Gusto ko syang habulin dahil gusto ko palagi ko syang kasama. Ang bilis nyang nawala! Hindi ko na yata kakayanin pang magkahiwalay ulit kami.

"Keish!" biglang may humawak sa balikat ko at napabangon ako.

"Nananaginip ka.." sabi nya. Nananaginip lang pala ko! Salamat naman! Kala ko iniwan na ko ni Lester!! Sobrang nakahinga ko ng maluwag dahil panaginip lang lahat.

"Kala ko totoong iniwan nya na ko!" napahawak ako sa mga mata kong medyo kumikirot. Kaya pala nakakakita na ko sa panaginip ko dahil naoperahan na ko. Nangiti ako dahil sa wakas ay nakahanap na din ng donor si Lest at makakapagpakasal na kami. Nakakatuwa lang isipin na talagang hindi sya tumigil sa paghahanap ng donor para sakin. Gusto na nya talagang makasal kami, at ganon din naman ako.

Si Adam nga pala yung gumising sakin. Napadaan na sya sa bahay bago pa ko mapunta dito sa ospital.

Hala! Kelan pa kaya ako nandito?!

Lumunok muna ko ng mahina bago makipag-usap kay Adam ng normal. Kasi naman nahihiya pa din ako sakanya.!

"Ahmm Adam kamusta na?" tanong ko, kahit anong pilit ko parang ang awkward pa din. Hindi ko maiwasang hindi maisip yung nangyari samin. Magkagayon man ay alam kong masaya sya para sakin ngayon, ayun naman si Adam eh! Walang ibang gusto yan kundi ang pasayahin ako.

"Ayos naman! Ikaw ang dapat kong tanungin kung kamusta na? Nawala lang ako ng ilang araw nagpasugod ka agad dito sa ospital..!" tila naninermon ang tono nya pero may pag-aalala.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon