KEISH'S POV
Eto nanaman po ako ngayon nakahilata sa kama ko habang sinasariwa ang kinahantungan ng plano ko.
Hindi man lamang pumasok sa isipan ko na pwedeng mangyari ang lahat ng nangyaring yun.
Di bale na kahit napahiya pa ko sa harapan nya ang importante napakawalan ko na sa loob ko ang damdaming matagal ng nakatago sa puso ko.
Ang tagal ko ding ikinulong yun sa loob ng dibdib ko!
Uwian na yun kung tutuusin kaya saglit na lang ang itinagal ko sa school at sa rooftop pero sapat na para makapagtapat kay Lester.
Wala pang trenta minutos yun pero para bagang napakatagal ng bawat segundong lumilipas habang abot tanaw sya ng mga mata ko.
Nagagawa nya talagang patigilin sa pag ikot ang mundo ko.
Wala na kong ibang ginawa kundi isipin ang itsura nya. Yung mga ekspresyon ng mukha nya, yung mga body gestures nya na hindi naman ganun ka obvious pero dahil ganun na lang ang pagkagusto ko sakanya ay kahit simple at maliit na galaw nya kitang kita ko pa rin.
Nakatulog na lang ako ng walang ibang iniisip kundi sya.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
"Oh my gosh! talaga ganun ang nangyari?? naku bess I salute you na talaga at nakakaya mong matake lahat ng embarassment na nakaabang sayo.." ito talagang kaibigan ko parang iniinsulto pa ko pagkatapos kong ikwento ang mga nangyari kahapon sa plano ko eh. Kulang na lang bigyan nya ko ng korona at sash na may title na QUEEN OF EMBARASSMENT!
Napakabuti mo talagang kaibigan Rima.
"Eh ano naman! basta kahit ganun ang nangyari masaya pa din ako at sa tinagal tagal kong sinusubaybayan yan si Lester eh kahapon ko lang sya nakitang ngumiti, at dahil sakin yun !..." pagmamalaki ko gayong hindi naman ako sigurado kung ngiti nga ba yun o ngisi.
Magkaiba ba yun? Basta para sakin iisa lang yun !
"Ahmm bess excuse me, correction lang huh.., parang hindi naman yun ngiti... i think the right term to use is TAWA???" parang nasa mood nanaman syang asarin ako. Sabagay halos lagi naman syang ganyan. Hobby na ata nya.
"Naku ikaw talaga kahit kelan dika na sumang-ayon sakin !" mapa ngiti man yun o tawa happy pa rin ako kaya wag ka ng magsalita at lalong wag ka ng kumontra ok.?. Parang nauubusan na ko ng pasensya ah..Hmmm.
Lunchtime na pala !
At dahil sa pinangako ko kahapon na sisikapin ko talagang mapalapit kay Lester, bawat vacant time ko sa klase ay ginagamit ko para makita kung nasan man syang lupalop ng mundo nya, at kahit may sarili syang mundo pipilitin kong pasukin iyon at handa akong samahan sya para di naman sya nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!