LESTER'S POV
Gaya ng nakasanayan ko na nandito ko ngayon sa rooftop, mag-aantay ng ilang minuto para tuluyang makaalis ang mga studyante at saka ako lalabas..
Ito na halos ang naging routine ko sa pang araw araw habang nandito ko sa school. Iniiwasang makisalamuha sa karamihan.
Nakakasawa lang kasi ang paulit ulit na plastikan ng mga estudyante dito!
Nahiga ako sa lapag kahit maalikabok.
Who cares !
Uwian na naman! malapit na ding lumubog ang araw at nakatapat iyon kung saan ako naroon kaya nagtakip na lang ako ng panyo sa mukha para di masyadong nakakasilaw.
Ang sarap talagang mag relax kapag tahimik ang lugar, walang mga nakakarinding boses.
Biglang may narinig akong mga paang papalapit ng papalapit sakin pero mahina lang, di ko na din pinansin kasi wala namang nagsasalita.
Baka yapak lang yun ng mga studyanteng napapadaan sa ibaba.
Pero bigla na lang...
"Sayang pa din talaga ! kahit kabisado ko na mukha mo parang gustong-gusto ko pa din yung makita.. lalo't nakatutok yung palubog na sikat ng araw at siguradong mangingibabaw sa ning-ning ang taglay mong kagwapuhan !"
May narinig akong pabulong na nagsalita.
Boses ng babae at naiirita ko tuwing may lumalapit sakin na babae at wala namang ibang gagawin kundi ang landiin ako.
Badtrip !
"Kaya nga may takip kasi nakatutok yung sikat ng araw diba?!!" sarkastiko kong sagot sa babaeng pabulong na nagsalita.
Pati ba naman itong lugar ko napasok na nila?
At pagkatapos kong magsalita bigla na lang ...
"AY PUSANG KALABAW !! "
Bigla na lang syang nagulat at akala ata tulog ako mula ng dumating sya pero hindi...
Nasambit nya ang napakapanget na expresyon ng pagkagulat sabay napaupo sya sa semento...
"ARAY !!!"
Mukha ngang masakit yun !
Kaya iniangat ko ang ulo ko at tinanggal ang panyo sa mukha para tingnan kung ayos lang ba sya.
Kahit naman ayoko sa mga babae hindi parin maiaalis sakin ang mag alala twing may tao akong nakikitang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!