KEISH'S POV
Dahil sa walang patid kong pagluha kagabi papasok akong namamaga ang mata, buti na lang at may salamin ako kaya hindi masyadong halata pag hindi tinitigan.
Gayunpaman ay hindi ko ata talaga ito magagawang itago!
Paglabas ko ng gate andun na si Adam, sinalubong nya ko ng isang matamis na ngiti.
Pagkalabas ko pa lang ng gate kinuha na nya ang mga dala kong libro at saka ako pinasakay ng kotse. Nagsalute pa sya kay Papa na nakatayo sa may pintuan namin bago pumasok sa sasakyan.
"Sige po Tito, mauna na ho kami." ika nya pa. "Sige iho, ingatan mo ang anak ko. Ikaw na ang bahala sakanya! " sagot naman ni Papa at nagkangitian sila na para bang nagkakaintindihan na talaga sila. "Sige po Pa, alis na kami." paalam ko naman. "Sige Keish, ingat kayo." si Papa atsaka kami tuluyang umalis.
Alam na nina mama at papa na nililigawan ako ni Adam, boto naman daw sila kay Adam dahil mabait naman daw ito basta wag ko lang daw papabayaan ang pag-aaral ko.
Dahil sa nangyari kahapon tinanggap ko na sa sarili ko at ng bukal sa loob ko ang panliligaw ni Adam.
Tinanggap ko ng ipinaubaya na ko ni Lester sakanya, siguro hindi nya ko ganun kamahal kaya hindi man lang nya nagawang ipaglaban ang nararamdaman nya para sakin.
Masakit pa rin.
"Bakit parang ang tahimik mo?" Biglang tanong sakin ni Adam habang nagdadrive. Hindi sya nakatingin sakin at sa kalsada lang nakatuon ang mga mata. Hindi na rin sya nakangiti.
"Ah wala, inaantok pa kasi ko." Buti na lang magaling akong magpalusot, sumagot ako pero hindi din ako tumingin sakanya. Nakatingin ako sa labas ng bintana.
"Umiyak kaba??." Tumingin na sya sakin pagtanong niyon. Yung tingin na parang sulyap lang. Bigla akong napayuko.
"Hindi, kulang lang sa tulog." Nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana, binalik nya ang tingin sa harapan pero mukhang hindi kumbinsedo sa sagot ko. Nahalata nya sigurong wala ako sa mood makipag-usap kaya hindi na sya nangulit.
Gaya pa rin ng dati ihahatid nya ko sa may classroom namin.
Habang naglalakad kaming dalawa bigla na lang din sumulpot sa likod namin sina Lester at Rima.
Pumunta sa gilid ko si Rima at inilapit ang mukha nya sakin, tinitigan akong maige kaya inilayo ko naman ang mukha ko.
"Grabe Keish sobra ka bang natakot kahapon pagbalik mo sa classroom natin kaya namaga ng ganyan ang mata mo?." Kaloka tong babaeng to, pilit ko ngang tinatago pinagsisigawan naman nya. Napatingin tuloy sakin si Lester, at si Adam naman pangisi pang napasabi ng "Ahhh kaya pala... ."
"Bakit ka naman natakot sa classroom nyo? andun naman mga classmates mo ah?" bigla nanamang lumakas ang pagkabog ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Lester.
Tahimik lang ako.
Ang galing nyang magkunwari.
Ang galing nyang magkunwari na parang wala lang ako sakanya, na parang wala lang syang ginawa na ikinasakit ng puso ko. Sabagay hindi naman nya alam na narinig ko ang usapan nila ni Adam kahapon, siguro kailangan ko na lang din magkunwaring wala akong narinig.
"Ah kasi madilim na ng bumalik sya ng classroom, nakauwi na ata mga studyante nun pati kayo kaya wala nga ibang tao dun pati medyo madilim na din kaya ayun inatake ang lola nyo ng kaduwagan at may narinig daw biglang nagsalita!" Natatawa pang sabi ni Rima, someone gave me a stapler yung malaki ang staple wire para magkasya sa bibig nitong kaibigan ko!! ang daldal eh.!
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Fiksi Umumthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!