#31 Moving On

102 2 0
                                    

KEISH'S POV

I continued hanging out with Adam may pasok man o wala, pinanindigan ko na talaga ang pagpapaligaw sa kanya, his handsome, kind, humble, responsible, lovable, and most of all sweet.

Almost perfect!  that's what he is so why would I stick to my stupid feeling with my bestfriend?

Masarap namang kasama si Adam kaya hindi naman ako nabobore whenever we're together. He gives so much effort just to make me happy and I do appreciate those efforts. I'm really lucky having him, ang totoo marami ngang babae ang naiinggit sakin.

Marami ang nakipagkaibigan pero marami din ang naging haters, insecure ata sa beauty ko dahil katulad ko ang nagustuhan nya at hindi katulad nila.

Pag nasa school naman kami, kasama pa rin namin si Lest at Rima. Our friendship remains the same, whatever pain Lester caused me for what I've heard from him itinago ko lang yun, sinarili ko lang.

Sinubukan ko na lang kalimutan ang sakit na yun at nagkunwaring parang wala akong alam, and I think nagawa ko naman. I act normally infront of him at ganun din naman sya sakin.

Ang friendship namin ni Lester parang katulad pa rin naman ng dati, yun nga lang hindi na sya ang madalas kong nakakasama kundi si Adam na. 

"Keish you want fries??" tanong sakin ni Adam habang inaabutan ako ng french fries. Nandito kami ngayon sa mall at kumakain sa fastfood. 

"Okay na ko sa burger, sige kaw na lang kumain."  Sagot ko sakanya tapos kumagat ng burger, ngayon lang ata nangyari to pero busog pa talaga ko kaya di ako nagpaorder ng madami.

Kasama nga rin pala namin si Rima at si Lester ngayon. Si Adam na din ang nagdecide na isama sila para naman daw mas mag-enjoy ako.

 He thinks of me first bago ang sarili nya.

"Naku Adam mukhang concious na si Keish sa figure ngayon kaya wag mo ng pilitin!"  Sabay agaw ni Rima sa fries na inaabot sakin ni Adam.

"Ano ka ba akin na nga yan !! Hindi naman para sayo yan eh!"  Parang batang inagaw ni Adam ang fries kay Rima.

"Damot !!"  At isa ding parang batang nagmaktol. Haha natawa tuloy kaming dalawa ni Lester.!

 Para silang mga batang nag aagawan ng pagkain.

"Sige na kasi Keish oh try mo masarap to, aaaahhh?"  Sinawsaw nya sa sundae ang fries at pagkatapos inilapit sa bibig ko, sinusubuan nya ko. Namula naman ako, nakatingin sakin ang mga tao sa ibang tables.

 Adik lang? Alam ko naman kung ano ang lasa ng french fries eh.

"Nice ang sweet naman ng boyfriend nya, ang swerteng babae."  dinig kong sabi nung isang babae sa asawa nya. Nasa katabi namin silang table at halata ang pagmamahalan sa pagitan nila. 

"Ahy nakakatuwa naman ang mga batang ito, naalala ko tuloy mahal nung kabataan natin"  dinig ko naman sa table sa likod na bulong ni lola kay lolo. Nakakatuwang isipin na hanggang sa pagtanda ay ramdam mo pa rin kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Naku naman, sobrang sweet naman kasi nitong si Adam ayan napapahiya na tuloy ako. Lumunok ako ng mga dalawang beses, di ko pa rin alam kung nga-nga-nga ba ko o ilalayo ko na lang yung kamay nya, pero baka mapahiya naman sya??

"Ahem.Ahem!! Pre masyadong cheesy nakatingin na satin lahat ng tao, tingnan mo tuloy mukha ni Keish para ng hinog na kamatis sa pula !"  Sabay tawa ng malakas ni Lester.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon