#24 InterHigh

107 4 0
                                    

KEISH'S POV

Dumating na yung araw kung saan may laro ang basketball team ng school laban sa kabilang school. Since inimbitahan kami ni Adam na manuod nandito na kami ngayon ni Rima sa bench at nkaupo, mukhang napaaga pa nga ang dating namin.

Haha ganun kami kaexcited !!

Actually kahit di man kami inaya ni Adam manunuod talaga kami ni Rima to support Lester, kahit may tampuhan pa kami.

Di ko ata matitiis na di sya panuorin noh.

  

Pumito na ang referee at nakapwesto na para sa jumpball ang mga player, ang galing nga kasi nasa first five players sina Lester at Adam!

Bago pa man mag umpisa ang game napatingin sa pwesto namin yung dalawa, si Adam nakangiti, si Lester wala lang tumingin lang talaga.! Tsk!!

Nag thumbs up na lang kami ni Rima, pero pagtingin naming dalawa sa kaliwa at sa kanan para kaming susugurin ng mga fans nung dalawa!

Ang lalaki pa ng card boards na hawak na may nakasulat Go Lester We ♥ U, yung iba naman Lester Babe win the game for US - Yung nasa kabilang side naman Adam our Hero Go! go! go! - Solid Adam Fans!! Ang kokorni nila!! Sorry na lang sila kasi kahit wala kaming cardboards na dala masaya silang maramdaman ang support and presence namin.

Hinagis na ng referee yung bola at instead na yung kalaban ang kaagaw parang sina Lester at Adam pa ang rivals. Ano ba naman yan!! Nagkataon lang din siguro kasi pareho silang mataas tumalon. Umpisa pa lang ng game naka three points na agad si Lester, magaling talaga sya. Shocking baka mainlove nanaman ako sa kanya ng bongga!

Halos salitan lang si Adam at Lester sa paggawa ng puntos, silang dalawa lang halos ang nagdadala ng laro. Pareho silang magaling kaya di nakakapagtaka kung kaliwa't kanan ang fans nila. Pati pa sa likod at harapan meron din.

"Over Keish!! Can't believe na kaclose nating ang dalawang hearthrob na yan! Kyaaahhhh!!!" sabay tili ng malakas ni Rima. Kyaahhhhh!! Gusto ko siyang sabayan dahil maging ako ay hindi rin makapaniwala! Napakaswerte ko talaga! Sabi ko na  nga ba at may kapalit ang pagiging isang mabait!

Ang lakas lagi ng hiyawan twing may isang makakapoints sakanilang dalawa, pati kami ni Rima di mapigilang mapasigaw at mapatalon sa tuwa. Minsan nga pag napapasigaw ako parang nahihiyang makipagsabayan sa sigaw ko yung ibang studyante at napapatingin na lang sila sakin.

Well, number one fun Me! 

"Ang galing mo Adam!!!"  Pasigaw kong sabi pagkashoot ni Adam ng three points, halos masabunutan ko pa si Rima sa galak kaya lumayo na sakin ng konti.

"Imbes na matuwa sila sa cheer mo baka matakot pa?? Gosh pwede ha?? pwede wag manakot Keisha?? Makasigaw ka dinaig pa si Sisa??" inirapan ko lang si Rima sabay sigaw ulit. Yaaahhh ang saya naman ng game na 'to!!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon