#68 Truth!

98 3 0
                                    

KEISH'S POV

Sobrang excited ko! Ngayon na kasi tatanggalin ang eye patch ko. Ibig sabihin makakakita na ko! Makikita ko na sila! Makikita ko na sya!

Kyaaaaaa!

"Dok makakakita na ko diba?" tanong ko kay Dok Mendez. Andito sya ngayon sa bahay. Nagpresenta syang pumunta na lang dito.

"Yes of course. Successful ang naging operation mo." sagot nya na ikinatuwa ko naman masyado. Eh? Ba't ganun si Dok?

"Dok bakit parang malungkot ka na naging succesful ang operation ko?" yung boses nya kasi parang ang tamlay? Parang di masaya?

"I'm happy ofcourse." habang tinatanggal ang nasa mata ko.

"Eh? Bakit parang ang lungkot ng boses mo?"

"Anak stress lang si Dok. Madami sigurong pasyente." si Mama.

"Ay oo nga! Sorry Dok naabala pa kita." siya nga naman! Bakit ba ang kulit ko?!

"It's okay." sagot nya.

Natanggal na ng tuluyan ang nasa mata ko.

"Now slowly open your eyes.." sabi ni Dok. Nakakapanibago pala pag nasanay kang nakapikit ang mga mata mo. Parang ang hirap imulat. "Come on Keish, dahan dahan mong imulat ang mga mata mo" ulit pa ni Dok. Hehe tinagalog lang yung kanina eh!

Gaya ng sinabi ni Dok ay dahan dahan ko ngang binuksan ang mga mata ko. Parang sobrang nakakasilaw. Parang sobrang liwanag.

Kahit sa liwanag mukha pa rin nya ang nakikita ko. Mukha pa rin ni Lester.

Napangiti ako sa isiping sa wakas ay makikita ko na sya.!

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang mga mata ay malabo pa ang paningin ko.

Blurred pa din?

Kumurap kurap ako.

"Lester?" sabi ko na lang at napangiti nanaman ako. Bakit ganun? Kahit malabo pa din ang paningin ko parang ang linaw linaw ni Lester? Siya lang yung malinaw sa nakikita ko. Buong background ay malabo maliban sakanya.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Keish!" boses pa lang ay dinig ko ng si Dok iyon.

"Dok?" bigla akong napapikit. At pagmulat ko ulit ay para bang unti unti ng lumilinaw ang lahat.

"Sinong tinawag mo?" parang gulat na tanong ni Dok. Tinawag?

"May tinawag ba ko?" may tinawag ba ko? Si Dok lang naman eh! Diba? Pero bakit parang nanaginip ako? Nakatulog ba ko habang tinatanggal yung patch sa mata ko? Hala!

"Uhm nevermind. Wear this.." sabay suot nya sakin ng isang salamin. "For protection." ah nga naman! Syempre sensitive pa mata ko. Hehe kala ko back nanaman ako sa old Keish eh. Sabagay okay lang din naman pag nagkataon. Kami na ulit ni Lest at kahit bumalik pa ko sa dati ay alam kong mamahalin nya pa din ako. "You look okay. I'm sorry but I have to go."

"Thanks Dok.." sabi ko na lang at sinamahan na sya ni Papa palabas ng pinto.

Naninibago pa din ako.

Hala teka! Nilibot ko ang paningin ko.

"Mama?"

"Ate?"

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon