#32 Just Like the Old Times

140 3 0
                                    

KEISH'S POV

Maagang dumating sa bahay si Lester para sunduin ako.

Nagtaka pa nga si Ate bakit daw hindi si Adam ang kasama ko ngayon -- hehe  bet nya talaga si Adam para sakin eh, bias porket si Adam ang naghatid sakin sa bahay nung nawalan ako ng malay dahil kay Jamir.

Ang tahimik namin ngayon sa kotse nya, parang nakakailang yung katahimikan so I started a conversation tungkol sa tutorial na gagawin ko ngayon para sakanya..

Hmm, bago ang araw na to ay nagtext na din pala ko kay Adam na nagrequest nga si Lester na itutor ko sya. Pumayag naman sya at ayos lang naman daw. May gagawin din daw sya at hindi nya rin ako maipapasyal kaya ayun, arriba arriba !

" hmm so ano naman ang kelangan ko pang ituro sayo ?? parang wala na naman ! ang talino mo na nga eh! "  sabi ko na lang sakanya habang nagdadrive sya. Umiling naman sya saglit at kakaiba yung ningning ng mga mata nya.

" iba pa rin kasi pag ikaw yung magtuturo, para bang pag ikaw yung nagturo sakin sure na marami akong matututunan at talagang makakapagfocus ako sa pag-aaral ko." tumingin sya sa part ko at ngumiti. Teka kelan pa sya natuto ng Adam effect like this?!

" chuz ! player ka talaga ! "  singhal ko naman habang natawa ng konti.

" what do you mean na player? Yeah I´m a basketball player, MVP to be exact !! " nakangisi pang pinagmayabang sakin ang pagka mvp nya, alam ko naman yun eh kahit dipa nya sabihin. Slow na sya?

" hindi naman yun ang sinasabi ko eh, ang gusto kong sabihin para kang player -- kasi ang galing mong mambola! "  nakapout ko pang sabi.

And after he heard what I´ve said sobrang natawa talaga ko sa mukha nya habang napakamot ng ulo yung isang kamay at yung isa naman nakahawak pa rin sa manibela.

Ipagmayabang ba naman sakin ang pagiging mvp nya eh ang tinutukoy ko naman talaga ay ang pambobola nya.. Don´t tell me LG na din sya ngayon as in Low Gets?? haha welcome to the club of LGs´Lest !!

" Dami mo na talagang nalalaman Keish ! " natatawa tawang sabi pa nya na parang tinanggap na lang ang pagkakapahiya.

" Haha ganun talaga Lest! Nga pala san mo naman tayo balak pumunta ngayon?? " tanong ko dahil hindi ko alam at wala akong ideya kung saan ba nya talaga balak kaming mag aral.

" Dun sa dati !" sagot nya. At umatake nanaman ang pagiging slow ko kaya napamaang na lang ako.

" Sa may akasya sa school?? nakalimutan mo na agad?" sabi nya ng mahalata sigurong hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya.

Matagal tagal na rin akong hindi napapadpad dun. Namiss ko din yun infairness ! Simula kasi nung tanggapin ko sa sarili kong si Adam na ang pagtutuunan ko ng nararamdaman ko ay sya na ang madalas kong kasama. Hindi ko rin naman sya pupwedeng isama sa lugar na iyon ni Lester dahil alam kong gusto nya ng privacy kapag nandoon sya.

" Wait diba weekend ngayon? sarado yung school !"  bigla akong napatuwid ng upo sa naisip ko. Oo sarado ang school kaya baket doon pa nya naisipang magreview? Natigilan ako at nagtaka.

" Keish naman, I´m John Lester Bustamante right?? Dont tell me pati nakalimutan mo na rin na pagmamay-ari naman ang St. Jacobs??" sabi nya pa na pangisi ngisi. At ako nganga nanaman !

" Schocks Oo nga pala ! "  at parang hindi ko noo ang hinampas hampas ko dahil sa pagiging ulyanin. 

Baket pati yon ay hindi sumagi sa isipan ko samantalang kulang na lang ay maging stalker ako sakanya noon dahil halos lahat ng bagay tungkol sakanya ay inaalam ko.?!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon