KEISH'S POV
Maraming araw na ang nagdaan pero patuloy pa rin ang pag-aaral na ginagawa namin ni Lester. Buti na lang hindi sya nagsasawa sa mga ginagawa namin at ganoon din naman ako, sa totoo lang sobrang enjoy ako sa ginagawa ko.
Kahit na nakakapagod na rin kasi pati weekends ginagamit na namin ang oras para sa pag-aaral ay hindi ko pa rin iniinda yun.
Hindi lang naman para sakanya ang ginagawa ko, habang tinuturuan ko sya ay natuturuan ko na din ang sarili ko kaya okay lang din kina mama at papa kahit di nila ko madalas makitang nakastay sa bahay. Isa pa sundo't hatid naman ako ni Lester pag may kelangan kaming pag-aralan.
Minsan naman dun lang kami sa loob ng bahay. And since magkaibigan na kami, kilala na sya ng mga magulang ko kaya may tiwala silang pasamahin ako kay Lester tuwing weekends.
Nung una talagang ayaw nina mama at papa na lumabas ako ng bahay lalo't lalaki ang kasama ko, pero nung ipaliwanag ni Lester na tinutulungan ko sya para tuluyang makapasa at makagraduate ay pumayag na sila.
Nakiusap din kasi si Lester na kailangan nya ng tulong ko kaya lumambot na din sila Ma-Pa sakanya.
Sa totoo lang napamahal na sya sa pamilya ko, and obviously mas napapamahal pa sya sakin.
Nga lang di ko muna masyadong iniintindi yun lalo’t alam kong kaibigan lang ang turing nya sakin – isang mabuting kaibigan na kanyang pinagkakatiwalaan sa ngayon.
Ang laki talaga ng improvement sa pagkatao nya, Oo suplado pa rin pero madalas ng ngumingiti.
Marunong na rin makipagkaibigan sa ibang tao pero syempre ako pa din an ang pinakauna nyang kaibigan kaya ako ang bestfriend “qno”. Kung nalalaman lang nya ang nasa loob ng puso ko.
Kung pwede lang sana na higit pa sa pagiging bestfriend ang turing nya sakin…pero mukhang malabo yata.
Be happy na lang kasi nasa tabi ko sya, kahit kaibigan lang, at dahil dun ay hindi ko na rin masyadong ipinapahalata ang damdamin ko para sakanya.
Alam kong batid nya pa rin iyon, para sa estado ng pagkakaibigan namin ay mas mabuti pa na isantabi ko na lang muna dahil baka makaapekto pa sa friendship namin.
By the way si Rima my bess minsan nagseselos na kay Lester, wala na daw ako masyado time sakanya lahat na lang daw binigay ko na sa isa ko pang bestfriend, alam nyo na kung sino yun.
Kaya minsan inaaya ko sya twing my study session kami ni Lest..(hehe Lest daw?? Close na kaya kami duh..) pero ayaw naman nyang sumama baka daw sumama pa loob ko kasi istorbo lang sya.
Haha hilig talagang mag-inarte nun pero my point nga naman sya..hehe Joke..She's still my bestfriend pa din naman nuh, friends na din sila ni Lest pero suplada nya.
Kung dati si Lester ang suplado at di marunong mamansin ngayon si Rima naman ang suplada, at syempre kay Lest lang sya ganyan.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Ficción Generalthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!