ADAM'S POV
Sabay kaming napatakbo ni Ate Jam ng biglang tumakbo si Keish pagkababa ng kotse at nagderetso sa kalsada.
Sobrang natakot ako at kinabahan ng biglang....
BEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPP! !!
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Adrenaline rush na din siguro kaya parang dinaig ko pa si superman sa bilis ng takbo ko sabay hablot kay Keish at tumilapon kaming dalawa sa kabilang side ng kalsada.
"Kung may balak kayong magpakamatay wag na kayong mamerwisyo ng ibang tao!" sigaw nung driver na muntik ng makabunggo kay Keish. Pasalamat sya on shock pa rin ako kaya di ko sya papatulan ngayon.
Inalalayan ko sya patayo dahil sabay kaming bumagsak sa lupa dito sa gilid ng kalsada matapos ko syang hablutin kanina. Buti na lang talaga naging maagap ako. Yakap ko sya at nasa ibibaw ko sya ng bumagsak kami. Kahit wala na kaming relasyon, ako bilang nagmamahal na kaibigan at nangako kay Lester at aalagaan ko si Keish ay hindi hahayaang mapahamak at masaktan sya sa kahit anong paraan. "Ayos ka lang?" tanong ko sakanya. As usual no answer heard, pero napawi ang pag-aalala ko ng tumango sya. May naaninag akong takot sa mga mata nya kaya inakap ko sya. "Don't worry, I'm here. Di ko hahayaan mapahamak ka.." sabi ko na lang. That's true and I mean it. Nangako man ako kay Lester o hindi, gagawin ko pa rin ang bagay na to'. I will protect her, she's already a part of me at hinding hindi na sya maalis sa sistema ko.
"Keish! Keish!" si ate Jam papalapit samin. "OMG Keish ano bang ginagawa mo sis!! Aatakihin na ko sa puso sayo eh!"
"Nak!"
"Anak!"
Kasunod na rin nya sina Tito at Tita.
Sabay silang nagsilapitan kay Keish at umakap. "Wag mo naman kaming pag-alalahanin ng ganito anak, please naman.." mangiyak-iyak pang sabi ni Tita Merci habang nakayakap kay Keish.
There we saw Keish's teary eyed. For the first time again, nakita naming may bumakas na emosyon sa ekspresyon ng mukha nya. She's not talking but her eyes saying like 'I'm sorry...' kaya parang mas lalong napaiyak si Tita at pati na rin si Ate Jam.
"Salamat." Tito Theodore tapped me. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na nagawa ko syang ilayo sa kapahamakan.
I promise, hindi ko talaga hahayaang may mangyaring masama sakanya.
"Let's go inside.." aya ni Tita Merci bago ay hinawakan sa kamay ang anak.
Biglang ipiniglas ni Keish ang kamay nya kaya nabigla si Tita, para pang sumama ang loob nya dahil sa inasal ni Keish.
Bakit? Ayaw nya kayang pumasok sa ospital? Is she afraid because she remember something like what had happened a month ago?
Napatungo ako at nakita kong puro pa pala alikabok ang damit ko kaya nagpagpag na lang ako. Habang pinapagpagan ng alikabok ang damit ay nahagip ng paningin ko ang kamay ni Keish.
Shame! May sugat sya sa kamay! Kaya pala ayaw pahawak!
"Pasok tayo sa ospital then ipagamot natin ang sugat mo.." sabi ko na lang saka sya hinawakan sa kabilang kamay. Napatingin naman sila Tito at Tita sa kamay ni Keish na may sugat. Biglang lumuwag ang paghinga ni Tita marahil ay naisip na nyang kaya pumiglas ang anak kanina dahil nasaktan ito ng mahawakan nya ang galos sa kamay nito.
Nang makapasok kami sa ospital ay pinagamot muna namin ang sugat sa kamay ni Keish. "Pagamot mo na din yung sugat mo." sabi ni Ate Jam. "Hah?" sugat? "Yan oh!" sabay turo nya sa siko ko. May mga galos din pala ko sa siko! Ba't di ko naramdaman? "Nakakatouch naman! Yung sugat mo di mo ramdam, pero yung sugat ng kapatid ko parang ramdam na ramdam mo..." sabi pa ni Ate na parang nanunukso. Pasaway talaga tong kapatid ni Keish.!
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!