KEISH'S POV
Monday at pasok time nanaman, paglabas ko ng bahay nagulat ako ng makita kong nasa labas ng gate ang kotse ni Adam. Saktong nung papalapit na ko bigla naman itong nagbukas at bumaba galing sa kotse nya.
"Goodmorning Lady!" Masayang bati nya sakin pero ako napalingon sa likod ko. Sino bang lady ang binabati nya??
Binalik ko ang tingin sa kanya, nakatawa lang sya.
"Haha Ikaw lang at ako ang tao dito sa labas kaya di mo na kailangang lumingon, ikaw ang binabati ko at tinatawag kong lady okay?" matawa tawang sabi nya. Di naman ako nagpalit ng pangalan eh.
Napatanga naman ako dun. "Teka anong ginagawa mo dito? Ang aga mo ah, pati lunes ngayon kaya may pasok. Di kaba papasok?" tanong kong may halong pagtataka. May pasok ngayon at sa pagkakaalam ko wala sa gawain nya ang lumiban sa klase kaya nakakapagtaka lang na nandito sya ngayon imbes na nasa school.
"Of course papasok ako.. at sabay tayo.. ." ika nya.
"Ha?!" hindi ko maintindihan. Bakit naman kasi kami magsasabay??
"You heard me right Lady....I'm here to pick you up! Diba sabi ko sayo liligawan kita?"Kung kanina shock ako sa mga pinagsasabi nya, ngayon naman diko na alam kung paano magrereact. "Wala ka namang sinabi na hindi kita pwede ligawan kahapon right? So, I guess I'll pursue courting you." dagdag nya pa. Oo nga naman, hindi ako sumagot ng Oo at Hindi. Pero di nga?? Seryoso talaga siya?? Oh my gosh na talaga!
Nakangiti pa sya. Para bang napakaliwanag ng aura nya. Eottoke??
Binuksan nya ang pinto ng kotse at para bang body guard na itinuro ako papasok. Dahil nandyan na sya at pareho naman kami ng school na pinapasukan sumakay na lang din ako. Alangang magpakipot pa ano??
Pagdating namin sa school pinagbuksan naman nya ko ng pinto, at nasa garahe pa lang kami para na kong celebrity sa init ng tingin sakin ng mga schoolmates namin.
"Bakit sila magkasabay?"
"Bakit nakasakay siya sa sasakyan ni Adam?"
Panay sila bulungan kung bakit daw magkasabay kaming pumasok ni Adam. Di ko na lang pinansin, sanay naman ako ng pinagbubulungan. Tsaka friends kaya kami!
"Ako ng magdadala nito!" Pagkababa ko ng kotse inagaw agad ni Adam ang dala kong mga libro, wala na kong nagawa - inagaw na nya eh!! Pilit ko mang kontrahin ang sarili ko pero kinikilig din ako.
Nasa hallway na kami ng dumating sa likod namin si Rima at Lester.
"Ahem! so.. . what is the meaning of that books that Adam is carrying which suppose to be carried by Keish since its her property??" Nakataas ang kilay na sabi ni Rima habang nakanguso sa mga librong dala ni Adam at nakatingin doon. Bigla naman akong nahiya sa mga makahulugang tingin nila kaya napatungo na lang ako.
"Oo nga pre, dipa naman baldado si Keish ah.. . ba't ikaw na nagdadala nyan? Inaalipin ka ba nito?" Tanong naman ni Lester habang nasa tabi sya ni Adam. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero nahihiya akong tingnan siya. Tsk! Ganun na ba ko kasama sa paningin nya para mang alipin ng mabait na kaibigan??
"Well.... this is what a good suitor must do." Parang payabang namang sabi ni Adam habang nakadiretso ang tingin. At nanlaki nanaman ang mga mata ko pagkarinig ko nun, nakakahiya!! Napaurong ata ang hakbang ko.! Bakit ba sinabi nya pa??
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!