KEISH'S POV
After kong matapos lahat ng paperworks ko sa office at lahat ng trabaho ko ay nagpunta agad ako sa hospital.
Dok Mendez called me para ibigay sakin ang duty schedule ni Neri. Di ko na daw kailangan pang sabihin kay Dok kung kelan ako pupunta sakanya kasi lagi naman daw syang andon at welcome naman ako lagi kapag pupunta ko sakanya dahil pasyente daw ako.
He's going to give me Neri's schedule para ako na mismo ang umiwas sa posibleng pagkikita namin doon. Thanks a lot to Dok Mendez dahil tinutulungan nya talaga ko sa mga gusto ko.
"Sige po Dok, Salamat talaga" paalam ko kay Dok.
"Sige Miss Acosta, mag-ingat ka." sagot ni Dok at tuluyan na nga akong lumabas ng ospital. Di ko lang matukoy kung bakit parang may ibang aura ang nararamdaman ako kay Dok. Ewan basta parang may iba.
>>>>>>>>> On my way to resto.
Magmimeet kami ni Adam. Syempre date. On the way na din daw sya. Katapos lang nya sa work pero ako pa rin ang gusto nyang makita. Ano pa bang hahanapin ko sa boyfriend slash fiance slash soon to be husband ko diba?! Lahat na ata nasa kanya.
He's a perfect partner!
I don't mind, but kanina pa ko may napapansin na kotseng parang nakasunod sakin. Actually kanina pa sa hospital yung strange feeling na iyon. Parang may laging may nakabuntot sa likuran ko pero pag nililingon ko wala naman.
Tsk! Napaparanoid lang ata ako.!
>>>>>>>>>>> RESTO <<<<<<<<<
Nandito na ko sa resto kung saan kami magkikita ni Adam.
Here's the strange feeling again.
Parang di na ko mapakali sa inuupuan ko dahil feeling kanina pang may nakamasid sakin.
Is someone stalking me? Nah!
Adam ♥ Calling.....
Hey Hon sorry medyo traffic. Pero malapit na ko.
Okay, i'll just wait you here.
I miss you Hon... Hehe
Magkikita na nga tayo eh.
Oo nga, pero miss pa rin kita.
Aysows! Sige na, nagdadrive kapa.
Okay Hon, Love You
Okay, bye. Drive Safely
Narelieve din yung feeling ko after he called. Winaksi ko na lang yung kakaibang feeling na yun.
After a few minutes nakita ko na ring parating si Adam.
He kissed me agad on my cheeks. Sanay naman na ko since ang tagal na naming magboyfriend at engaged na din kami kahit wala pang party.
"Hey sorry hah pinag antay kita" bungad nya pagkalapit sakin.
"It's okay." tipid na pasupladang sagot ko.
"Eh okay daw? Ba't ang iksi ng sagot mo?" sya. Masama na bang iksian lang yung sasabihin?
"It's okay Hon. Okay lang. Promise okay lang talaga na nag antay ako. Yun lang! Ano okay na?" kunwari ay sarkastiko kong pagkakasabi. Kumunot naman ang noo nya.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Fiksi Umumthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!