#15 I missed him so much

148 3 0
                                    

KEISH'S POV

“Bess napansin mo ba si Lester kanina?” Pabulong kong tanong kay Rima. Hindi ko na mapigilang hanapin sya. Miss ko na kasi talaga sya. Sobra.

“Hindi” sagot naman nya.

“San kaya nagsususuot yun? Ang hirap nyang hagilapin ngayon ah. Masyadong pachix ayaw magpakita” sabi ko na lang na talagang napapaisip sa mga pinaggagagawa nya. Bakit nga ba hindi pa rin sya nagpapakita?

 

“Pssst tama na nga muna yang kaka Lester mo! makinig ka muna may quiz tayo mamaya..” Umupo na ko ng tuwid at nakinig sa discussion ng teacher namin. Tama nga sya, makikinig muna ko. Tatlong araw din akong nawala sa klase.

Pasaway kasi ko dahil nasa kalagitnaan kami ng Trigo class namin at ako may sarili ding problem na dinidiscuss sa utak ko, at hindi ko magets gets kung pano mareresolve dahil sa missing ang main factor at hirap akong hanapin sya.

“Okay class dismissed !”  sabi ng teacher namin. Nabuhayan nanaman ako ng dugo matapos marinig yun. May oras na ko para hanapin sya.

 Gusto ko na syang makita.

Sa wakas uwian na, para akong isang buong linggong nag antay ng uwian sa sobrang pagkabagot sa klase or say na kating kati lang talaga ang mga paa ko na hanapin at puntahan sya kung san mang lupalop ng earth sya nandun, yup nasa earth na sya since he learned how to socialize with others pero syempre sa piling mga tao lang.

Kung alam ko lang sana na mangyayari tong ganito na halos mawalan na sya ng time sakin dahil sa iba sana pala kinulong ko na lang sya sa dati nyang mundo at ako na lang ang nagtyagang mag-adjust sa mundo nya.

Uy senti! As if naman magagawa ko yun diba??! 

“Bess mauna kana, may dadaanan lang ako” pagdadahilan ko kay Rima. Hindi ko na kasi talaga matiis ang hindi makita si Lester lalo pa at ang laki ng dapat kong ipagpasalamat sakanya.

“May dadaanan o may hahanapin?” Nagdududa nyang tanong. Grabe din ang radar neto eh !

“Both?? hehe !” mangisi ngising sagot ko na lang. Feeling ko kasi safe na din na maglakad lakad akong mag-isa. Wala na sila Sweet, Ella at Glenda. Tapos alam kong hindi ako papabayaan ni Rima at Lester.

“Hoy Keisha I told you last time na hindi na kita iiwan kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari ulit masama sayo okay? Kaya sasamahan kita kung san mo man balak pumunta !” Tunay nga ang pag aalalang aninag ko sa mukha nya. Siguro ay sinisisi nya din ang sarili nya nun dahil wala sya sa tabi ko. Na kung kasama ko sya ay hindi ko aabutin yung ganung pangyayari. Hindi ko naman sya sinisisi, at hindi rin naman nya responsibilidad ang bantayan ako. Sadyang napakabuti nya lang talagang kaibigan para samahan ako sa lahat lahat.

 

Wow concern talaga sya !. I raised my both hands na lang as a sign na Oo na suko na ko, sige na sama kana.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon