#50 Afraid

119 3 0
                                    

KEISH'S POV

"Hey Adam!" tawag ko sakanya pagkababa ko ng hagdan. Hindi sya sumagot. Nakatingin lang.

Bakit kaya? 

May date kasi kami ngayon. Walang pasok eh. Hehe Ano naman kaya ang problema nya at di sya nasagot talaga?

Naku alam ko na!

"Hon ang aga mo naman ata??" malambing at puno ng ngiti kong pag-iiba sa tanong ko sakanya kanina. Ayun oh! Tsk! abot tenga na ang ngiti habang nakatingin sakin. Haha arte gusto talaga nilalambing?

Sinalubong nya ko.

"Hon ang ganda mo ngayon!" sabi naman nya matapos halikan ako sa pisngi. 

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Oh?!" takang napatingin sya sakin pagkakita sa salubong na kilay at masamang tingin ko. "Hon nasabi ko na ba sayong araw araw sobrang ganda mo?? Grabe kahit lagi kitang nakikita parang bago ka lagi sa paningin ko!!" sambit nya. Haha OA lang? Halata tuloy na nadala lang sa tingin kaya nya nasabi yung mga yun.! Lihim na napatawa na lang tuloy ako.

"Tss ewan sayo! Tara na nga!?" sabi ko na lang sabay labas ng pinto. Sumunod na lang din sya sakin at hinawakan ako sa may bandang likod sa level ng bewang para alalayan. Andun pa din yung matamis na mga ngiti nya.

Ewan ko din ba dito kay Adam. Kala mo talaga para lang kaming bago. I mean ilang taon na din kaming magboyfriend pero kahit katiting feeling ko hindi man lang nabawasan ang sweetness nya. Ramdam na ramdam ko yung care nya at syempre yung pagmamahal nya para sakin.

It just feel so great having Adam in my life as my partner - my partner forever.

"San naman tayo ngayon pupunta? Parang lahat na ata ng resto dito sa Piipinas narating na natin!" sabi ko na lang habang nasa daan kami. Tuloy lang sya sa pagdadrive at nangiti pa. "Basta para sayo ba eh! Gusto mo pati resto sa ibang bansa libutin din natin para lang makapagdate? Haha Hmm sa honeymoon na lang siguro yun kasi sa ngayon ang importante ay makasal muna tayo!" sabi naman nya.

Excited lang talaga sa honeymoon??

"Tss! Honeymoon agad?!" ako.

"Syempre pagkatapos ng kasal! Di pwedeng mawala yun noh!" sabi nya at hinampas ko sya sa braso. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Hon naman bakit ka namumula? Haha" Adam. Bahagya akong tumagilid saka hinawakan ang mukha ko. Pakiramdam ko kasi namula talaga ko.

Kasi naman!

"Haha Hon naman biro lang!! Todo blush ka eh. Excited lang??" tatawa-tawa pa nyang sabi. Inaasar nya ko?? 

Naman eh.!

"Aba kapal!" isang hampas ulit sa balikat nya sabay make face. "Aray! Naman Hon sinasaktan mo na ko. Dika pa naglilihi sa lagay na yan ah, pano pa kaya pag naglihi kana baka mapatay mo na ko!" sabi nya pagkailag sa hampas ko.

Haha nagdadrive nga pala sya noh? Pag nabangga kami ako malamang ang may kasalanan!

"Haizt! Yang utak mo talaga!" yun na lang nasabi ko at tumuwid na ng upo. Ayoko ng magsalita. Kasi naman naiilang ako sa mga pinagsasabi nya. 

Feeling ko talaga mamumula ko dahil sa hiya.

"Hon biro lang ulit yun. Kaw naman! Lam mo kahit pikon ka ang cute mo pa din?? Nasabi ko nanaman sayo yun diba?? Haha" lakas ng trip nya ngayon! 

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon