KEISH'S POV
Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa sala dahil sa narinig kong ingay kanina. Nandyan na siguro si Manay o kaya ay si Gary. Matagal tagal na din mula nung huling madalaw sya.
Di pa man ako nakakarating sa may sala para maupo sa sofa ay bigla ko na lang naramdaman ang isang mainit na bisig na pumalibot sa buong katawan ko. Isang pamilyar na yakap, isang pamilyar na pabango, isang pamilyar na hiningang tumatama sa batok ko.
Halos manigas ang buong katawan ko dahil sa mga bisig na iyon na nakayakap saakin. Pero halos manlambot ako at bumigay ang mga tuhod ko ng marinig ang isang pamilyar na tinig, sobrang pamilyar "Hon...." kasabay ng tinig na iyon ay ang mga tulo ng tubig na pumapatak sa may balikat ko.
Sa mga pamilyar na naramdaman ay bigla na lamang akong napahikbi, sinubukan kong pigilan kaya nagtakip ako ng bibig pero mukhang walang epekto, ayaw tumigil ng mga mata ko sa pagluha at hindi magawa ng bibig kong tumikom para walang boses na lumabas doon.
Sigurado ako, siya ito.. .
Adam...
Gusto ko syang yakapin pabalik pero nakaramdam ako ng sakit dahil sa konsensya na iniwan ko sya, iniwan ko sila ng hindi man lang nagpapaalam, tapos ay makikita pa nya ko sa ganitong lagay?? Mas lalo akong naawa sa sarili ko. Ayos lang sana iyon na kaawaan ko ang sarili ko eh, pero ang kaawaan ako ng ibang tao lalo na ng mga taong malapit sa puso ko ay mahirap atang tanggapin. Iyon ang iniwasan ko kaya nagpasya kong lumayo.
Sa halo halong emosyon na naramdaman ko ay namalayan ko na lang na nasa likod na nya ang mga bisig ko.
Napaakap na din ako sakanya.
Hindi ko maintindihan, napaakap ba ko sakanya dahil sa awa ko sa sarili ko? o napaakap ako sakanya dahil sa pangungulila sa isang taong walang ibang ginawa kundi ang pasiyahin ako? ang taong walang ibang ginawa kundi ang manatili sa tabi ko.
Dahan-dahan nya kong inilayo sakanya hawak ang magkabilang balikat ko. Dinig ko pa ang pagsinghot nya gawa siguro ng pag-iyak kanina. Sinubukan ko ding kalamahin at tahanin ang sarili.
"Ang laki ng kasalanan mo sakin!" sambit nya na bakas pa rin sa tinig ang pag-iyak kanina.
"Huh?" usal ko na lang.
"Sobra sobra sobrang namiss kita! Alam mo ba yun??!" natigilan lang ako sa sinabi nya.
"Pagbayaran mo lahat ng kasalanan mo mamaya!" sabi pa nya. Naku po!! Ano naman kaya ang ibig sabihin nyang pagbayaran ko mamaya?? Jusmio!! Pagkatapos ng drama ko kanina naisip ko pa to!!
Bigla akong kinabahan.
"Naku ang Hon ko!! Ano kaya ang naisip sa sinabi ko?!!" dinig ko pa ang tila mapanuksong tawa nya.
"Hoi wala akong iniisip na kung ano ah!!" depensang sabi ko na lang.
"Hahahaha!" tumawa sya. How I missed his laughs. Nacocomfort ako everytime na naririnig ko ang mga tawa nya. Yung ilang buwan na pagkawala ko sa kanila ay palagay ko taon ang itinagal noon.
"Hmp paakap nga ulit!" sabay pinch nya sa magkabilang pisngi ko bago ko hinapit palapit sakanya!
"Ehem Ehem lang naman!" kunway ubo ng isang babae. Sa boses pa lang alam ko na kung sino sya.
"Neri?!" sabay layo ko sa katawan kay Adam. Maglalakad sana ko patungo kung saan ko narinig ang boses nya pero bigla na lang hinawakan ni Adam ang kamay ko. Bumaling ako sa direksyon as if I am seeing him.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Ficción Generalthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!