KEISH'S POV
"Keisha anak tutal wala ka namang pasok ikaw muna pumunta sa grocery, wala ng laman ang ref natin." sabi sakin ni Papa ng walang lingunan habang busy sa mga paper works nya sa university na pinagtuturuan nya.
"Ah pa bakit si mama po o si ate Jam may ginagawa ba?" sagot kong patanong sa utos ni papa, medyo tinatamad kasi kong kumilos eh.. . parang gusto ko na lang humilata maghapon. Kung hindi lang siguro kami nagkakasamaan ng loob ni Lester malamang ay lalabas nanaman kami o di kaya nama'y magkasamang mag aaral.
Kaya tinatamad ako e. Miss ko na sya.
"Busy din ang mama mo, at ang ate mo naman may importante daw lalakarin kaya wag ka ng magbusy-busyhan dyan, iligpit mo na muna yang mga libro mo at maligo kana ng makauwi ka ng maaga pagkatapos mong magrocery." Naku kilalang kilala talaga ko ni papa, buking agad!
Sige na nga wala naman akong magagawa eh, kesa naman wala kaming makain diba?
"Sige na nga po, ako na lang.." Niligpit ko na ang mga kalat ko at umakyat papunta sa kwarto pagkatapos naligo na din at nagbihis. Pinakatitigan ko ang sarili ko habang nakatapis ng tuwalya pero syempre suot ko pa rin ang salamin ko kasi pag hindi ko suot iyon malamang diko rin mapagmamasdan ang itsura ko.
May mga namumuo pang butil ng tubig sa mukha ko.
Diko pa pala masyadong napupunasan sarili ko.
Pagkatapos kong magpunas tumitig ulit ako sa salamin, ang haba na pala ng buhok ko. Yun ang unang una kong napansin, sinuklay ko yun at ng masuklayan ko parang mas lalong humaba.. . aabot na ata sa may pwetan ko and infairness ngayon ko lang narealize ang ganda pala ng hair ko, maitim at makintab, syempre malambot at mabango din. May naisipan akong gawin, kaya binilisan ko na at nagbihis saka takbo pababa ng hagdan.
Binulatlat ko ang mga drawer at naghanap ng gunting na matalas, at bingo may nakita ko!! Kinuha ko yun at lumapit kay papa. "Pa pwede bang paputol yung buhok ko? sobrang haba na kasi eh." sabay abot ko naman ng gunting sakanya. Si Papa naman ay parang taka sa sinabi ko at mukhang di pa makapaniwala doon. Tiningnan lang nya ko.
"Aba Keisha professor ako sa isang eskwelahan hindi barbero, pag ako ang pinagputol mo nyan baka maubos pa ang buhok mo at tuluyan kang makalbo." Kaya naman pala, di maraunong.
"Papa naman wag ganun. Papantayin mo lang naman. Ang bigat na kasi sa ulo, sakto basa pa sya kaya madali lang pantayin. Kahit lagpas balikat lang po please..." Pangungulit ko kay papa, si mama kasi nasa kwarto lang at si ate naman nakaalis na ata kanina habang naliligo ako, kaya si papa na lang talaga ang choice ko.
"Ay naku bahala ka, wag kang magrereklamo pag nawalan ka ng buhok..! Akin na yang gunting!" Tinabi na muna ni papa yung mga ginagawa nya at kinuha sa kamay ko yung gunting. Inumpisahan na nyang gupitan ang buhok ko.
"Pa wag naman masyadong maiksi ah, yung tama lang para kahit papano ay medyo mahaba pa din ." hirit ko pa.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!