#10 Jealousy pls leave

150 6 0
                                    

KEISH'S POV

Nakaraos na kami ni Lester ng pagrereview nung nakaraang Periodical exams and honestly sobrang saya ko sa kinahinatnan ng pagsusumikap nyang matuto.

Gaya nga ng sinabi ko di naman sya mahirap turuan dahil matalino naman talaga sya, fast learner nga eh kaya di rin mahirap sa side ko as his tutor na almost every free time ko ay nakalaan na lang sakanya.

Nasasanay na talaga kong lagi ko syang kasama, kung pwede nga lang maging hanggang sa pagtulog ko isama ko na sya eh, pero di naman pwede.

  

Aside from that, magkasundo na sila ni bess so wala na kong ipag-aalala pa na baka may isa sakanila na mas pagtuunan ko ng oras habang yung isa naman eh bka di ko na masyadong mapagbigyan ng time ko.

Solid na ang friendship naming tatlo ngayon, kasama na rin namin minsan mag-aral si Rima.

  

Nagkusa na kasi sya at willing na din syang tulungan si Lester, tumanggi nga si Lest eh nakakahiya naman daw, pero since Rima insisted wala na din syang nagawa.

Sunday ngayon kaya walang pasok. Inaya nya kong lumabas pero parang wala ako sa mood.

Lester Calling.....................

 

"Keish labas tayo?"

'Pwede sa susunod na lang, masama kasi pakiramdam ko eh.'.

"masama daw baka tinatamad ka lang, nagsasawa kana ba sakin huh?"

"Nagsasawa?? hindi ah, masama lang talaga pakiramdam ko."

"Sige na Keish sa park lang naman tayo pupunta, ayaw mo bang makapaglibang man lang?" himala kung iisipin kasi nagawa kong tanggihan si Lester. Di ko rin alam kung bakit pero tinatamad talaga kong lumabas ng bahay, kaya nagdahilan na lang ako. 

"Si Rima na lang ayain mo, papayag yun at mahilig yung mag gala". Hindi muna sya nagsalita, parang tumahimik at nagsigh..

"Sige na nga, di naman kita mapipilit. Kami na lang ang lalabas. Mas masaya sana kung kasama ka!" He ended the call.

And now, I therefore conclude na I feel jealous!

I am not suppose to feel this dahil bestfriend ko silang dalawa at pareho ko silang mahal. Pero di ko maiwasang isipin na there's a big possibility na magkagustuhan sila at yun ang ikinakatakot ko.

Selfishness man na maituturing kong ipagdamot ko si Lester sa bess ko pero wala din naman akong karapatan, nauna nga akong nagmahal sakanya pero hindi naman nya ko minahal kagaya ng pagmamahal ko, minahal nya man ako pero hanggang sa pagiging bestfriend lang.

Di ko na lang siguro ipapahalata sakanila na ganito nararamdaman ko, kaya habang dipa ko nilulubayan ni selos, I think its better kung iwas-iwas muna pag may time.

  

Ano na kayang ginagawa nila sa park? Siguro ang saya nila ngayon. Kung kasama kaya nila ko mas magiging masaya ba sila?? Grrr..di ako mapalagay kaya nagpagulong-gulong na lang ako sa sofa habang nakabaluktot ang katawan!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon