KEISH'S POV
Natatakot ako.
Kinakabahan.
Yan ang pumupuno sa puso ko ngayon sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ko.
Natatakot at kinakabahan ako sa madalas na panlalabo ng mga mata ko sa tuwing nakakaramdam ako ng pagkahilo. Kasabay noon ay parang may tumutusok sa loob ng mga mata ko na nagdadala ng kirot.
Ilang beses ko na iyong nararamdaman at hindi ko lang ipinapahalata sakanila dahil ayokong mag-alala sila para sakin lalo pa at malapit na ang engagement party na inihanda ng mga magulang namin ni Adam para samin.
Ayoko ring maging dahilan iyon para mapostpone ang party.
Naalala ko four years ago.
Nagpacheck-up ako sa isang ophthalmologist nung mga oras na magdesisyon akong mag contacts na lang at wag ng magsalamin.
Obviously I came up with that decision because of what happened during my graduation day.
A great and really an unforgettable graduation day ever!
And forgetting everything about my past like changing my personality and usual get ups is one way of moving on. Stop wearing my eyeglasses is sort of changing my personality.
For the better.
For me to go on with my life without feeling the pain he brought me.
After ng check up ko noon ay sinabihan ako ng doktor na bumalik sa ospital nya kinabukasan.
But I didn't came back.!
Hindi ako bumalik dahil nakaramdam ako ng pangamba sa mga salitang binitawan nya noon.
>>>>>>>>>>>>>> Flashback <<<<<<<<<<<<<<
"Ah Miss Acosta kung may oras ka sana bukas siguro ay mas makakabuti kung bumalik ka ulit dito sa ospital para mas masuri ko pa ang mga mata mo." Dr. Mendez said.
"Mas masuri? Para saan naman po yon?" tanong ko na naguguluhan pa. Totoong naguguluhan talaga ako sa sinabi nya. Para saan pa? Bakit kailangang suriin pa? Para nagpaconsult lang ako to make sure na magiging maayos at malinaw pa rin ang paningin ko kahit wala na kong salamin eh.
"May kakaiba kasi kong napansin sa mga mata mo. At sa tingin ko ay kailangan kong tutukan ang pag eeksamin dyan para naman maagapan ang posibleng pagkabulag." sabi nya.
Hindi ko alam kung paanong magrereak.
Posibleng pagkabulag? Niloloko ba ko ng doktor na to'? Gusto ko lang naman ay iwasan ang tuluyang pagsasalamin pero sya pagkabulag naman agad ang nakita?!
Watdapak!
Nainis ako sa narinig ko.
"Sige po Dok. Pag may oras ay babalik ako dito." sabi ko na lang sabay tayo sa may harapan nya. "Wag mo sanang kakalimutan." sabi pa nya.
Lumabas na ko at nagderetso pauwi sa bahay.
Nainis lang nga ba ko? Hindi.
Dahil nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang mga sinabi nya.
Gayunpaman ay pinilit ko na lang sa isipan kong hindi naman lahat ng doktor ay tama agad ang opinyon. Iyong iba nga ay ilang doktor pa ang pinupuntahan para magpacheck up dahil hindi rin agad sila naniniwala sa mga sinasabi nito, kailangan nila ng isa pang opinyon mula sa isa pang doktor para makasigurong tama ang findings sakanila.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Ficción Generalthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!