KIESH'S POV
Gaya ng dati kong ginagawa inagahan ko ang gising, Adam stopped courting me so ibig sabihin hindi na rin sya mag-aabalang pumunta ng maaga dito sa bahay para sunduin ako, kailangan maaga ulit bumangon kasi commute ulit ang peg ng lola nyo.
“Hehe mukhang dina ko sanay mag commute ah, si Adam kasi sinanay ako sa kotse nya.!”Sabi ng isip ko habang papalabas ng bahay.
At pagbukas ko ng gate --- - -
“Bakit andito ang kotse ni Adam???!” Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, namamalikmata lang siguro ko.
Pagmulat ko ulit …
Andun pa rin ang kotse ni Adam at nakatayo na sya sa harapan nito.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Adam ikaw nga ba yan?? Bakit andito ka??! Akala ko ba napag-usapan na natin to -- ??!” Sunod-sunod kong tanong sakanya. Pero hulaan nyo kung anong sinagot nya sa mga tanong ko??
Wala, nginitian lang ako tapos the ngiti turned to ngisi..
“Keish stop wondering why I’m still here in front of your house to pick you up okay? Tropa pa rin naman tayo right? And just let me do this for the last time kasi I know someone will replace me for this.” Mukhang alam ko na kung anong ibig nyang sabihin, at kilala ko na kung sino ang tinutukoy nyang papalit sakanya sa pagsundo at hatid sakin. Nginitian ko na lang sya.
He opened the door of his car then inalalayan na ko papasok. Ang galling ng status namin ngayon ni Adam, no awkward moments after what happened between us. Para pa rin syang kagaya ng dati, pero binawasan na ang sweetness nya.
Pero napakakwento pa rin nya, at sa bawat kwento nya puro tawa lang ang sagot ko. Inaamin ko kung hindi lang talaga ko inlove kay Lester malamang nainlove na ko kay Adam, ang saya nya kasing kasama at ang bait pa.
He’s perfect, but heart doesn’t have an eyes to see a man’s perfections – kusa lang itong nakakaramdam na mahal nya ang isang tao neglecting all of his imperfections.
Tama na muna sa drama !
Haha, were here na sa school but I did not let Adam bring my books na for me. Sa bagay na yun mukhang hindi na tama na iasa ko pa sakanya ang pagbibitbit ng mga libro ko lalo’t hindi na sya ngayon ang dati’y masugid kong maniligaw. Nagpupumulit pa rin sya pero sabi ko wag na lang.
Napaka gentleman nya talaga.
Kagaya ng madalas mangyari pag papasok kami ng classroom lagi kaming apat nagpapang-abot sa hallway, siguro dahil tantya na naming apat ang oras ng dating namin sa school. Nung nasa likod na namin ni Adam sina Rima at Lester sabay silang napatingin sa mga librong hawak ko.
“Bakit bawal na ba sa school na to' ang mga libro??” Tanong ko sakanilang dalawa habang kita pa rin sa mga mukha ang pagtataka.
“Syempre hindi pilosopa ka talaga ! Nagtataka lang kami bakit ikaw ang nagdadala nyan. Nabawasan na ba pagkagentleman ng manliligaw mo?” Sabi ni Rima habang ibinaling ang tingin kay Adam, si Adam naman ngumiti lang at si Lester nakikinig lang.
Tipong nagkatinginan lang kami ni Adam, at kami lang ang nagkakaintindihan.
“Hindi naman sa ganun Rima, actually I insisted kay Keish na ako na lang pero wag na lang daw kasi nakakahiya naman sakin.” Adam said after a minute ago.
“Bakit ka naman Keish nahiya ngayon kay Adam eh lagi naman na nyang ginagawa yan? Don’t tell me ngayon ka pa nahiya talaga??” Tanong naman ni Lester na may halo pang biro saka ngumisi. Ako expressionless, diko kasi alam kung pano ko sasabihing Adam is no longer my suitor, he already gave up his feeling for me because of him.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!