#29 Confrontation ~ Pain in my Heart

108 2 0
                                    

ADAM'S POV

Hindi nga ako nagkamali ng pagkakakilala kay Lester. He likes Keish the way I do, di ko lang masabi sa ngayon kung sino ang mas higit na nagmamahal samin kay Keish basta alam ko sa sarili ko na mahal ko si Keish, gusto ko lagi ko syang napapangiti, gusto ko lagi ko syang kasama, gusto ko lagi kong hawak ang mga kamay nya.

I don't want to let go of her, kahit pa kaibigan ko si Lester at alam kong may gusto din sya sakanya hindi ko isusuko na lang ang nararamdaman ko. I've learned to loved her in a short period of time, I want to protect her.

I'll fight for this feeling.

She's the only girl who made me feel this way, who amazed me this way, she's so special to me and I'm sure of that.

Dahil malapit ko namang kaibigan si Lester bago pa man kami magkakilala ni Keish, minabuti kong kausapin muna sya at pormal na hingen ang pirmiso nya sa panliligaw ko bilang bestfriend ng taong gusto kong ligawan.

Kahit na ramdam kong gusto nya rin si Keish ay porsigido pa rin ako sa desisyong to' lalo pa at wala naman akong nakikitang senyales na gusto nya itong ligawan.

Nasa gym kami.

Dun namin napagpasyahang mag-usap matapos kong sabihin sakanya na may isang mahalagang bagay akong gustong sabihin.

Hawak nya ang bola at ako naman nakabantay sa harapan nya. Ang set-up namin naglalaro ng one-on-one habang nag-uusap. Uwian na kaya wala na halos studyante, si Rima na ang naghatid kay Keish sa bahay nila at dadalawin na din daw kasi nya sina tita at tito. Pumayag naman ako, I trust Rima.

"So what are we going to talk about?"  Umpisang tanong ni Lester sabay shoot ng bola sa ring.

"About Keish." saglit ay natigilan sya sa pagkilos at kinuha ulit ang bola na kalalaglag lang sa ring sabay dribble.

"What about her?" he asked with serious tone of voice and with curiosity. Saglit syang tumigil sa pagpapatalbog ng bola.

"Im courting her, I like her."  deretsahan kong sagot. Nag shoot na naman sya at nagmintis, bago pa nya kuhanin ulit ang bola ay inunahan ko na sya kaya ako na ang may hawak at sya naman ang nakabantay sakin.

"I know, I heard it. Bakit kailangan mo pang sabihin sakin?"  I shoot the ball, sya nanaman ulit ang may hawak. Hindi sya tumitigil sa pagdribble at mukhang siniseryoso ang laro namin. Diko masabi pero mukhang mas seryoso sya sa pinag-uusapan namin, wala man lang akong makitang kakaibang reaksyon sa mukha nya this time.

"I know you like her too."  Di ko na napigilang sabihin ang sadya ko sakanya kaya ko sya kinausap. Halatang nagulat sya sa sinabi ko, napatigil sya ng pagddrible sa bola at tumayo ng tuwid.

"What are you talking about? she's just my bestfriend."  Binitawan nya ang bola at nagpunta sa bench para kunin ang towel. Sumunod ako.

"You treat her just as your bestfriend, but you feel more than a bestfriend? Do you? I'm also a man, and I know the feeling of being inlove with someone?"  Tumigil sya sa pagpupunas ng pawis at hinarap ako.

"Oo na ! Yun bang gusto mong marinig? Oo gusto ko sya, mahal ko din sya kagaya mo." matigas ngunit mahina ang boses nya sa pagakakasabi nun. Medyo natigilan din ako sa sinagot nya sakin. "Nanliligaw ka na sakanya at mukhang masaya naman sya. Wag kang mag-alala hindi ako magiging kontrabida sainyong dalawa." dagdag nya pa. Parang naiinis sya sa pagsagot sakin, nakulitan na ata.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon