KEISH'S POV
"Alam mo Keish familiar sakin yung mukha ng kaibigan mong yun? parang nakita ko na sya pero diko lang matandaan kung saan." Sabi sakin ni Ate Jam na ang tinutukoy ay si Adam, nakaupo kami sa sofa at nanunuod ng paborito naming koreanobela.
At base sa mukha nya ay tila seryoso sya. Napapaisip pa nga sya.
"Alam mo ate nung una kong marinig ang pangalan nya parang familiar din sakin, parang narinig ko na? pero wala talaga kong matandaan kung san ko narinig ang pangalang yun!" Napaisip kaming pareho ni Ate habang nanunuod ng tv, pero pareho din kaming walang matandaan o maalala.
Are we getting old?
Dahil sa hindi talaga namin maalala kung bakit ba naging pamilyar saamin si Adam ay nagconcentrate na lang kami sa panunood.
"Pero alam mo Keish, ang nice nya. Parang ang bait bait nya." seryosng sabi ni Ate habang nakatuon pa rin ang mga mata sa tv."And.... ang gwapo din nya!" dagdag nya pa. At doon ay tumingin na sya sakin. Yung tingin na may halong kalandian? Medyo nairita ko.
"Alam ko naman lahat yun! Pero kung pwede lang ate huh, wag ganyan! Child abuse ka! Wag ng subukang pagnasaan pa ang mas bata sayo" biro ko sakanya pero hindi ko ipinahalatang nagbibiro lang ako. Tumaas naman ang isang kilay nya at nakapamewang na humarap sakin kahit na nakaupo.
"Hoy hoy hoy! Sinabi ko lang na gwapo, pagnanasa agad? Diba pwedeng nagsasabi lang ng totoo??! Kuh! Palibhasa malabo yang mata mo!" pasinghal nyang sabi. Tinamaan ata sa biro ko?
"Ano naman kinalaman ng pagkalabo ng mata ko dun? Diba sinabi ko namang alam ko lahat ng sinabi mo patungkol sakanya?" pasuplada ko namang anas. Personalin ba ko?
"Alam mo? Nakikita mo?" paulit na tanong nya sa mga sinabi namin at hindi ko maintindihan baket kailangan pa ulit tanungin.
"Oo! Kita ko at alam ko kung gano sya kabait, kung gano sya kagentleman, kung gano sya ka nice, at kung gano sya kagwapo! Alam ko lahat yun." sabi ko pa na inisa isa lahat ng nakikita ko kay Adam.
"Eh kung ganon pala, may pag asang magustuhan mo sya??" tanong nya na hindi ko agad nasagot. Anong klaseng tanong naman kaya yun?
"Bakit mo naman natanong yan?!" sagot ko sa tanong nya ngunit patanong din.
"Oo o Hindi lang ang sagot sa tanong ko sis!" bakit ba nya kasi tinatanong yun. Di ko pa rin alam ang isasagot. Basta alam ko si Lester ang lalaking gusto ko.
"Hindi ko alam! Isa pa kung sakali mang magustuhan ko sya eh paniguradong di naman nya ko magugustuhan!." yun na lang ang nasabi ko. Ayaw nya kasi kong tigilan eh. Tsaka kung iisipin mukhang malabo naman talagang mangyari yun na magustuhan nya ko ng higit sa isang kaibigan.
"Ang sabihin mo ay deads na deads ka lang talaga dun sa isa!" alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!