KEISH'S POV
Sa totoo lang nawiweirdohan na talaga ko kay Lester ngayon, confirmed na yun huh. After ko ba namang biglaang mapaakap sakanya kulang na lang itulak nya ko palayo, para ba kong apoy na pagdikit ng balat ko sakanya eh bigla syang napaso??
Alam nyo yun? parang ganun.
Tapos nung nakabitaw naman ako sa pagkakaakap ko sakanya sya naman tong humablot sakin at niyakap ako bigla.
Haayyy buti na lang ginawa nya yun kung hindi tampo na talaga ko...Ang sarap pala sa pakiramdam pag sya mismo yung yumakap sakin, sobrang namiss ko talaga sya..!
Isa pang di ko maintindihan ay yung paulit ulit nyang pagsabi ng sorry, samantalang ako dapat ang nagsasabi nun since ako naman talaga yung sumama ang loob sakanya kahit na wala naman syang ginagawang masama sakin, ang totoo kahit busy ang sked nya nagawa nya pa kong tulungan, nagawa nya pang ipaexpel yung tatlong bruhang nagpahirap sakin.
Akala nya di ko malalaman yun kahit di nya sinasabi sakin, sus dami kayang tsismosa sa school kaya imposibleng di ako makasagap ng infos..Hehe
Parang ang bad ng dating ko pag sinabi kong salamat at nabugbog sya diba?? Pero hindi naman yung pagkakabugbog sakanya ang ipinagpapasalamat ko, kasi that time na nabugbog sya parang biglang ang sweet na nya.
Ewan di ko magets kung bakit pero ito na nga yung tinutukoy kong weird.
Fflashback.. .
After kong mapayakap ng biglaan sakanya, naitulak nya ko palayo.
"Ah Keish sorry" Napayuko na lang ako sa hiya, sino ba naman di mapapahiya dun sa ginawa nya diba??
"Sorry I didn't mean to push you.. ." parang hindi nya malaman ang gagawin.
"Okay lang, ako dapat magsorry kasi pabigla-bigla ako eh.." naiilang ko namang anas. Nakakahiya yung ginawa kong bigla na lang pagyakap sakanya. Isipin pa nito laki talaga ng pagnanansa ko!
"Sorry okay? di ko sinasadya, nabigla lang din ako sa ginawa mo.." Sabay hinawakan at iniangat nya ang chin ko para mapatingin ako sakanya, at ngayon naluluha nanaman ako habang nakatitig sa duguan nyang mukha.
"Hey guys gabi na siguro... we better go home na?" Yaya ni Rima sabay tayo naming dalawa sa halamanan.
"Teka pano ka uuwi nyan sainyo? Baka pagalitan ka lang ng Daddy mo nyan?" Tanong ko naman kay Lester sabay alalay sa braso nya.
"Sa bahay kana lang muna!" Oops mukhang duet pa kami ni Rima, halos sabay kami ng aya kay Lester kaya mukhang di nya malaman kung kanino titingin at kanino sasama.
"I think kila Keish na lang muna ko mag stay tonight" sabi ni Lester, sabay talon at sigaw ng puso ko ng isang malakas na YES!!
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!