KEISH'S POV
Pagbalik ko ng maynila dito samin ay para bang napakabilis ng paglipas ng araw.
Pero so far ay naging maayos naman ang lahat saaming magkakaibigan. Oo, talagang magkakaibigan na ulit kami at diba nga nadagdagan pa kaya mas masaya kami ngayon.
Sa bawat araw na nagdadaan ay mas napapalapit din ako ulit kay Lester. Ang totoo nyan ay hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko. Parang lumalakas nanaman ang epekto nya sa sistema ko. Masaya ko dahil tuluyan ng nawala ang sama ng loob ko sakanila ni Rima. Pero buhat nun ay nag-umpisa nanaman ang abnormal na pagtibok ng puso ko sakanya.
Alam kong hindi tama dahil posibleng masaktan si Adam sa nararamdaman kong iyon, masyadong unfair sa part nya. At hindi ko rin maaatim na makita syang nasasaktan lalo at ako pa ang may kasalanan. Masyado ng madami ang naging sakripisyo nya para sakin at hindi ko kayang iwan sya dahil lang sa nagbabalik kong damdamin para kay Lester.
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang puso ko sa maling pagtibok ulit nito.
Minsan nga hindi ko na lang pinapansin. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na dala lang ito ng nakaraan. Matagal lang kaming hindi nagkasama kaya namiss ko lang siguro yung company nya as my bestfriend. Bestriend lang.!
Tama nga sigurong madaliin na lang namin ang engagement para mawala na tong parang agam-agam sa dibdib ko. Dahil hindi ko naman talaga magagawang pabayaan si Adam, sigurado ako sa pagpapakasal sakanya. Nasabi na rin naman sakin nina Mama at Papa na ayos na daw ang lahat para sa engagement. Date na lang daw ang kulang at bahala na kaming pumili kung anong date, within this month na daw yun. Wag na daw akong magdadalawang isip dahil maging si Adam ay gusto na rin daw matuloy iyon ng sa gayon ay kasal na ang isunod.
Malaking pasasalamat ko pa nga dahil sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko ay andyan pa rin sya, ni hindi man lang nagbago ang patingin nya sakin kahit na parang alagain lang ako sakanya. Mahal na mahal pa rin nya ko at willing syang pagsilbihan ako kahit na sa totoo lang ay ako dapat ang gumawa noon para sakanya.
"Hey excited for our engagement?" tanong sakin ni Adam, bakas ang kagalakan sa boses nya. Andito sya ngayon sa bahay at pinag-uusapan namin ang tungkol sa engagement namin. Biglang binalot ng kaba ang dibdib ko pagkarinig sa tanong nya.
"Ah ye-yeah!" sagot ko na lang ng maramdaman ang paghawak nya sa kamay ko. Tila may buntong hininga pa kong naramdaman. Bakit parang hirap akong sagutin ang simpleng tanong na yun? Nakakainis!
"Wag ka ng mag-alala, ako ng bahala sa lahat. Ang importante andun ka, andun tayong dalawa.." sabi pa nya at walang ano-ano ay tumango na lang ako. Sa bait ni Adam, minsan tinatanong ko ang puso ko kung bakit hindi na lang ito tuluyang tumibok para sakanya? Bakit yung puwang na inukupa noon ni Lester ay tila nanatiling walang laman hanggang sa bumalik sya at sya nanaman ang naroon?
My heart is a cheater!
"Oh Keish - Adam andito si Lester!" sigaw ni Ate Jam. Pagkadinig ko pa lang sa pangalan nya ay parang taranta ng tumibok ang puso ko pero hindi ako pwedeng magpahalata dahil katabi ko lang si Adam.
"Oh Lest!" bati ni Adam. Bahagyang umalon ang sofa na inuupuan namin kaya batid kong tumayo sya para kamayan si Lester.
"Ohy!! Mukhang may pinagkakaabalahan kayo ah..?" tanong nya pa habang nag-uusap sila. "Wala ata sila Rima dito tsaka yung magpinsan??" dagdag na tanong pa nya. Sa madalas kasing pagdalaw nila dito ay madalas silang magkasabay-sabay.
"Busy siguro. Kami din medyo busy...." saad ni Adam. Nakaupo na sya ngayon sa tabi ko. Base sa pinanggagalingan ng boses ni Lester ay nasa may bandang harapan ko sya nakaupo.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!