KEISH'S POV
Dito na ko ngayon sa bahay, nakahiga sa kama ko at gaya ng palagi kong ginagawa – sinasariwa ko ang bawat oras na magkasama kami ni Lester- nagtatawanan, naglolokohan basta MASAYA lang.
Naalala ko pa kanina, yung sinabi nyang laro na mag-eenjoy daw ako ng walang mga taong maiirita sa pagtili ko, hehe sa totoo lang nag-enjoy nga ako!! Super.
Flashback..
“Sige ihulog mo na yung token!” utos nya na para bang naiiexcite masyado.
"Oh tapos..?" tanong ko naman. Hindi ko talaga alam kung pano maglaro nito. Ako na yata ang pinakaignoranteng nilalang sa loob nitong quantum!
“Hello common sense? kahit yata grade school student marunong nyan eh! sang planeta kaba talaga galing huh??“ para namang pinagmukha nya talaga kong ignorante sa ganito. Fine, ingnorante talaga ko. Psh!
Ang sakit naman…hehe joke :p kung di lang kita bestfriend mapipikon na siguro ko..’(Galing lang naman ako sa planetang Lester kung saan ako nag-umpisang magkaron ng masayang buhay)..! Hehe korni ng banat ni brain..!!)’
“Kaya ang swerte ko din at naging kaibigan kita eh, matalino, mabait at----“ napahinto sya sa pagsasalita na para bang hindi alam kung ano ang kasunod na sasabihin.
"At-----?" dinugtungan ko ang sinasabi nya na may tonong patanong. Gusto ko pang malaman kung ano yung karugtong nung sasabihin nya. Feeling ko kasi meron pa eh!
“At- - -MA----" sabi nya ulit na putol pa din. Bakit naman di madugtong dugtungan Lest? Hehe sasabihin mo na bang maganda? nagagandahan ka na ba sakin ngayon? Haha nakikita mo na ba yung hidden beauty ko na kakaunti lang yung nakakakita??
Sige na Lest. Sabihin mo na! Wag ka ng mahiya sakin!!
"M-MATALINO !” pasigaw nyang sabi.
"Sinabi mo na yun eh, ano unlimited? Paulit-ulit??" medyo naasar ako, medyo lang naman. Eh kasi parang alam ko na ang ibig nyang sabihin. Mahirap ba talagang sabihin ang salitang 'maganda' habang sakin nakatingin?
“Haha sinabi ko na ba yun?? Nakalimutan ko na eh..” Sabay pinch sa ilong ko. Tsk! Gwapo nga ulyanin naman!! Ngumuso na lang ako.
“But seriously Keish talagang maswerte ko sayo! isipin ko pa lang na nagawa mo kong pagtyagaang turuan hanggang sa matuto ko sapat ng dahilan yun, iadd mo pa yung pagtyatyaga mo sakin lalo pag inaasar kita...” he smiled with sincerity to his words. Agad naman ay nakaramdam ako ng pananaba ng puso.
“Ok baka maexpire pa yung token sa loob kaya mas maige laruin mo na.” naiinip nyang pagakasabi. Drama na yata namin!
"Hehe oo nga!" natawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!