#49 On my Way

92 4 0
                                    

LESTER'S POV

TOK!

TOK!

TOK!

"Pasok!" dinig kong sagot ng tao sa loob. Si Uncle Jomar. Marahil ay alam nyang ako ang kumatok kaya hindi na rin sya nag-atubiling papasukin ako. Asawa sya ng Auntie ko na kapatid naman ni Daddy.

Eto ang isa sa mga lugar na pinapasyalan ko din. Well, hindi naman talaga sya pasyal. Kumbaga eh dalaw lang. Isa kasing ophthalmologist si Uncle and since yun din ang career na pinasok ko ay madalas akong pumunta sakanya para matuto. Madalas ay tinatanong ko sya tungkol sa mga cases ng patients na kumukonsulta sakanya para na rin dagdag kaalaman para sakin. At dahil sa mabait naman ang uncle ko ay hindi sya nagdadalawang isip na paliwanagan ako sa mga bagay na gusto kong matutunan kahit na busy pa sya madalas.

"Oh Lester natagalan ka ata sa pagbalik mo dito?" si Uncle na bumaling lang saglit saakin tapos ay ibinalik muli ang paningin sa mga files na nasa table nya.

"Ah, busy din po sa pag-aaral eh." sagot ko na lang. "Haha kelan ka ba hindi naging busy sa pag-aaral mo? Alam kong magiging isang magaling at matagumpay kang doktor. Napakasipag mo at mahal mo talaga ang propesyong pinasok mo." si Uncle habang ibinaba sa table ang mga hawak nyang papel.

Sumandal sa upuan at ipinatong sa ibabaw ng mesa ang suot nyang salamin. "Hmm siguro nga po, pero wala ng mas gagaling pa sainyo." sabi ko na lang. "Hahaha. Nagkakamali ka dahil sa nakikinita ko ay mas magiging magaling kapa m kesa saakin." sabi pa nya. Halos wala naman akong masabi dahil sa papuri nya.

Hindi ako nakakasiguro na mamimeet ko ang expectations nya saakin dahil sa totoo lamang ay napakagaling nya talaga sa paningin ko, basta ang gagawin ko na lang ay MAS pag-iigihin ko pa lalo ang pag-aaral ko para mas matuto pa ko.

"Para pong masyado na kayong stress sa mga files na nasa harapan nyo ah?" tanong ko pa ng mapansin ang pag-iling-iling nya na para bang may isang pinanghihinayangan na bagay. "Ah hindi naman. May naalala lang akong isang dating pasyente nang makita ko ang records nya sa ilalim ng drawer ko." sagot naman ni Uncle.

Sa tono nya ay tila may panghihinayang nga doon na ipinagtaka ko naman. "Hm bakit po? Malala po ba yung lagay nya?" tanong ko pa na may halong kyuryusidad. Madalas din kasi mag share si Uncle sakin kaya hindi na rin ako nahihiyang magtanong. "Nung una syang komunsulta saakin ay nanlalabo pa lamang ang mga mata nya. Siguro ay malabo na talaga iyon dahil sa makapal nyang salamin. Nahihilo daw sya kapag hindi nya suot ang salamin na iyon pero nagsasawa na daw sya kakasuot nun" si Uncle.

Dahil sa sinabi nya ay agad nanamang rumihestro saakin ang mga imahe nya - si Keish. "Oh bakit parang nangingiti ka dyan?" bigla naman akong napatingin kay Uncle dahil sa tanong nya. Hindi ko namalayang nangiti na pala ko.

"Hm wala po, may naalala lang ako." sabi ko na lang na napakamot pa sa batok ko. "Ah.. .pero alam mo base sa deskripsyon saakin ng mga magulang mo dyan sa babaeng nakakapagpangiti sayo kapag naaalala mo sya ay para syang iyong pasyente ko" napatuwid ako sa pagkakaupo pagkasambit noon ni Uncle. Tila ba nabuhayan ako ng dugo. Bigla akong nakaramdam ng pananabik na makita sya.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon