#64 Engagement

92 2 0
                                    

KEISH'S POV

This is it!

This is the day of our engagement party.

Kinakabahan ako.

Medyo naeexcite! Naeexcite nga ba ko? Ah basta iba yung pakiramdam ko.

Kakatapos ko lang make-upan. Naayos na din yung hair ko. Sayang di ko makikita yung gown na isusuot ko.

"Halika na sis..I'll help you wear your gown.." hindi nga? gown talaga? diba pwedeng dress lang? Tumayo na lang ako pagkahawak ni Ate Jam sakin. Then pinasuot nya na sakin. Tinulungan nya na lang ako kung saan ko dapat ipasok yung kailangan ipasok. Hmp!

"There you go! Perfect Sis!" anas ni ate. Hmm mahaba sya? Gown nga! Pero parang medyo open sa may harap. "Sino pumili nito?" tanong ko lang. "Sino pa! Eh di si Adam..." napatango na lang ako. For sure maganda to kasi si Adam ang pumili.

Naalala ko lang. 

May kasalanan pala ko sakanya.

"Ahm ate nandyan na ba si Adam?" tanong ko kay ate Jam. "wala pa. Excited?" tumawa sya. Hindi ko pa ito nasasabi kay Ate. Yung pumunta si Adam tapos niyakap ko tapos akala ko si Lester tapos nagconfess ako. Gosh parang masyado kong nagiguilty! Di nya man sabihin alam kong nasaktan ko sya.

"Ate kasi ahm.... may kasalanan ako sakanya.. Sure ka bang siya pa pumili nitong suot ko?" baka kasi mamaya ay hindi na sya sumipot sa party dahil dun sa ginawa ko. Syempre medyo afraid din ako. Alam kong matagal na nyang hinihintay ang moment na to kaya kung di sya pupunta sisisihin ko talaga ang sarili ko. 

Pagkatapos kasi nung nangyari hindi ko na ulit sya naramdamang bumalik dito, maging si Lester ay dina rin nagparamdam.

 Am I hurting them?

"Bakit ano ginawa mo? Oo! Dala nya yan kahapon. Surprise nya kaya hindi pinasabi. Hindi na din pinasabing nagpunta sya..." nasaktan nga siya sa sinabi ko.! Kasi kung hindi mas gugustuhin nya ang makita at makausap ako.

"Ah wala.. .maganda ba tong damit? anong kulay?" pag-iiba ko ng usapan. "Oo maganda! Para kang ikakasal, color white.! Tapos may ilalagay ako sa ulo mamaya para mas maganda! Mukha kang diwata! Hehe" gusto ko sanang matuwa sa mga sinasabi ni Ate pero imbes na matuwa ay nag-aalala ko. Sana okay lang sya. Hindi ko talaga sinasadya. Kahit naman mahal ko pa si Lester hindi na magbabago ang isip kong pakasalan si Adam eh.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na kami ni Ate Jam.

Yung totoo? Hindi ko alam kung saan gaganapin ang party. Ang sigurado ko ay hindi iyon dito sa bahay.

"Keish anak ang ganda mo!" si Mama sabay halik sa pisngi ko. Napangiti na lang ako.

"Nak! Grabe.. .Manang mana ka saakin..." si Papa at natawa naman ako sa sinabi nya lalo ng mag reak agad si Mama. Niyakap nya din ako. Nagyakapan kaming tatlo.

"Selos naman ako! tsk!" si Ate Jam. Maya-maya pa ay naamoy ko na ang pabango nya tanda na nakiakap na din sya samin.

"Let's go?" tanong ni Papa. So si Papa pala ang alalay ko ngayon. Grabe bakit parang yung feeling ko ikakasal na ko.? "San po ba gaganapin yung party?" tanong ko na lang habang naglalakad kami palabas ng bahay. "You'll know when we get there..." ngumisi sya, ngumuso naman ako.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang isipin sina Adam at Lester! 

Anebey!! Bakit masyado kong confused!?! Kaasar!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon