KEISH'S POV
Pagkatapos ng nangyari kay Lester at ng sleepover nya sa bahay namin, bumalik na sa normal ang lahat.
Nakakasabay na namin sya tuwing pagpasok at uwian, kahit sa break times pa. Di ko lang gaano masabi kung bumalik na ba talaga sa dati ng hundred percent kasi parang may something na nagbago sa kanya -- bumait sya ng konti sakin, hehe konti lang. Yung tipong dina ganun kalakas mang alaska !
Bihira na lang ang tutorial sessions namin since hindi na naman nya kailangan masyado yun kasi magaling na sya at updated na lagi sa mga lessons sa school.
Pag magkakasama kami parang more on bondings na lang.
Habang nasa gitna ako ng klase, bigla kong naramdaman na nagvibrate ang cellphone ko.
1message received!
Ayoko sanang basahin kasi nasa klase ako, pero baka importante so binasa ko na.
Pag open ko.
From: Lester
See yeah later sa place ko huh :)
Anong ibig nyang sabihin? Di ko tuloy mapigilang replyan sya.
To: Lester
Huh??
From: Lester
Dun sa may akasya!!
Slow huh :p
Isang mahinang batok sa sarili !! Slow nga. Kasi naman akala ko kung saang place na!! kung may sarili ba syang condo or ano pa man.
Dun lang pala sa may akasya!
Inangkin nya na talaga yun ah. Hehe sorry na gaga lang na nageexpect ng more than something.
Hmmpp wag green guys.
To: Lester
ok :)
Hindi na din sya nagreply. Nakinig na ulit ako sa discussion namin. Yun na lang ang nareply ko, wala ng masabi eh baka kung ano pa isipin nun na inisip ko naman talaga kanina.
Haha :p
Hmm ang inisip ko lang naman po kanina eh kung sakali bang aayain nya ko sa lugar nya for dinner or something special na bagay like date.??
Yun lang po yun huh....(Hindi ako defensive ah, nagpapaliwanag lang talaga..promise...)
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Художественная прозаthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!