"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Jeish Leb!" masayang kantahan ng mga bata sa celebrant na si Jeish.
It's Jeish 5th birthday.!
Galak na galak naman ang bata sa pakikinig sa mga kaibigan habang kinakantahan sya ng happy birthday.
"Blow the candle baby..!" sabi ni Jam kay Jeish.
"Love wish muna before blow.." sabi naman ni Rodan sa asawa.
"Haha Oo nga! Sorry na Love naexcite lang ako.!"
"Love alam kong sa cake ka lang naexcite.!" napanguso naman si Jam. Totoo kasi yun, excited na syang kumain ng cake. Jam is two months pregnant kaya naglilihi pa sya at sa ngayon ay masama na talaga ang tingin nya sa cake ni Jeish. "Haha wag kang mag-alala. Hindi ko itatago ang cake ni Jeish. Go Jeish, make a wish then blow the candle.."
Pumikit saglit si Jeish bago hipan ang kandila sa ibabaw ng kanyang cake.
"Pwede ba naming malaman ang wish ng baby namin.. . ." pabirong sambit ni Rima na nasa may tabihan ni Jeish kasama ang asawa at si Jareem. Rima is seven months pregnant with their new baby. Sa wakas ay magkakaron na ng kapatid si Jareem.
"Tita wish ko sana lagi tayong happy lahat, at sana lagi ding happy sina mommy at daddy ko sa heaven..." sagot naman ni Jeish habang nakangiti pa.
Natigilan silang lahat.
Masaya sila pero sa sinabi ng bata ay bahagya silang nakaramdam ng lungkot. Hindi gaanong banaag kay Jeish ang kalungkutan dala na din siguro ng namulat na syang wala na ang mommy at daddy nya. Pero batid nilang habang lumalaki si Jeish ay hindi nito maiiwasang hanapin ang kalinga ng mga magulang nya.
Alam nilang kahit na anong gawin nila pagpuno sa pagmamahal kay Jeish ay hindi nila mapupunan ang lugar na naiwan nina Keish at Lester bilang tunay nitong mga magulang.
"They'll be happy Jeish.. . Basta lagi kang good boy laging masaya sa heaven ang mommy at daddy mo.." nakangiting sabi naman ni Adam habang nakaakbay kay Glenda. Sinagot naman sya ng ngiti ni Jeish.
Bata pa man ay parang matanda na kung umasta si Jeish. Pinaghalong katangian ang namana nito mula kay Keish at Lester. Pasaway, seryoso, masungit, suplado at palatawa syang bata. Matalino rin at bata pa man ay pansin na ang paglilihim nito minsan sakanyang saloobin.
"Okay kiddo!! Laro na kayo ni Titong gwapo!!" sigaw ni Prince at napatakbo naman agad si Jeish ng tangka nya itong habulin.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!