#17 You made me complete

136 3 0
                                    

LESTER'S POV

Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Keish talagang nag-init ang ulo ko. Napakawalang hiya ng mga gumawa nun sakanya.

Kasalanan ko talaga kung bakit nangyari sakanya yun, kung hindi lang ako nagbusy-busyhan at hindi ako umiwas sakanya hindi mangyayari yun.

Ang duwag ko!

Nagpapractice ako ng basketball ng may magsabi sakin na may pinagtitripan daw na studyante sa likod ng classroom namin.

Nung una parang wala lang akong pakialam dahil sanay na ko sa ganun, pero ng marinig kong taga section1 daw na nerd yung pinagtitripan nag panic na ko.

Siya lang ang nerd sa klase nila !

Agad kong binitiwan yung bola at tumakbo papunta sa may classroom namin.

Nadatnan ko siya dun na halos wala ng malay, puno ng harina at basag na itlog ang katawan. Para kong isang dragon na nag-aapoy ng makita ko sya sa ganung lagay.

 Hindi ko talaga sila mapapatawad !

Nasa likod ko si Adam, team mate ko sya sa basketball.

Di ko napansing sumunod pala sya sakin. Since nandun na din naman sya, sya na ang pinaghatid ko kay Keish sa bahay nila.

At ako naman kung saan saan nagsuot at kung sino sino ang nilapitan para itanong kung sino ang may kagagawan kay Keish nun.

 Gusto kong pagbayaran nila ang ginawa nila sa kaibigan ko.

Napag-alaman kong si Jamir Xian Apolo ang mastermind ng lahat - ang gago kong kaklase na puro yabang ang alam, may kasabwat daw syang tatlong babae ayon sa napagtanungan ko.

I guess I already know who they are .

At ang napakababaw na dahilan daw kung bakit si Keish ang napiling pagtripan ay dahil sa natapunan yung polo ni Jamir ng ulam na order ni Keish.

 Nag iinit ang kamao ko at gusto ko syang sapakin ng paulit ulit !

Wala akong ibang maisip kundi saktan ang mga babaeng nagpakatangang sundin ang Jamir na yun.

Pro hindi ko naman maaaring gawin yun dahil mga babae sila at kahit papaano ay may respeto pa din ako sa mga babae. Marahil ay may iba pang paraan.

Napakasama nya talaga! Napakasama nila !

No choice kaya pilit kong kinausap si Daddy kahit di naman talaga ko sanay lumapit at makipag-usap sakanya. Kinalimutan ko ang pride at sama ng loob ko sakanya dahil alam kong sya lang ang makakatulong sakin sa ngayon.

Nung una halos nakatanga lang ako sa harap nya, hirap ibuka ang bibig kaya sya na ang unang nagsalita.

"So what brings you infront of me?" malamig nyang pagkakatanong sakin.

Napatingin ako sa kanya, naiilang pero diko na pinansin ang sarili ko.

"I need your help?" Tipid kong sagot sa tanong nya. Sa loob loob ko ay hindi ko 'to gagawin kung hindi dahil sakanya. Kailangang mapatalsik sa eskewlahan ang mga babaeng yun dahil baka ulit ulitin pa nila ang pananakit sakanya.

Hindi ako makakapayag.

"Kailan mo pa tinanggap ang tulong ko? Lagi ka namang nagmamatigas sakin diba? At wala ka namang pinapakinggan sa mga sinasabi ko." sapul ako sa mukha. Tama sya, wala nga akong pinapakinggan sa mga sinsabi nya. Nakakasawa kasi paulit ulit lang naman sya. At kung ano man ang mga pagmamando nya sakin ay masasabi kong hindi ko iyon gusto.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon